Facebook

‘Sumunod sa COVID-19 protocols sa lahat ng oras’ — Bong Go

MATAPOS mamahagi ng ayuda sa frontline medical workers sa Batangas City at Cavinti, Laguna, nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na sundin ang mga patakaran sa pangkalusugan sa lahat ng oras upang hindi matamaan ng COVID-19.

“Mga kababayan, pumunta ako dito sa lugar ninyo dahil marami daw ang apektado ng pandemya. Marami ang nawalan ng hanapbuhay at nagsarang negosyo kaya nagdala kami ng kaunting tulong,” sani ni Go.

“Pakiusap, patuloy lang tayo magtulungan at maging disiplinado. Sumunod kayo sa mga pinapatupad na patakaran sa inyong lugar dahil sobrang delikado nitong COVID-19. Huwag niyong hayaan na tumaas muli ang kaso dahil makukulong na naman tayo sa (ilalim ng) enhanced community quarantine restrictions,” ang pinaalala niya.

Naghatid ang grupo ni Go ng meals, food packs, vitamins, masks at face shields sa tinatayang 1,500 beneficiaries sa Barangay Kanluran Talaongan New Covered Court.

Ang second batch na binubuo rin ng 1,500 beneficiaries ay biniyayaan din ng ayuda nang sumunod na araw.

Ipinayo ni Go sa mga residente na gamitin ang serbisyo ng Malasakit Center sa Laguna Medical Center sa Santa Cruz o sa San Pablo City General Hospital sa San Pablo City kasabay himok sa kanila na magpabakuna laban sa virus.

“Wala itong pilitan pero kung hindi tayo magpapaturok, hindi natin maaabot ‘yung herd immunity sa community level. Patuloy na kakalat ang sakit. Ang hirap ng sitwasyon natin dahil maraming kaso ang asymptomatic o walang sintomas,” paliwanag ni Go.

“Kaya kung eligible kayo, magpaturok na kayo. Hirap ang gobyerno dahil nag-aagawan ang mga bansa pero ginagawa pa rin nito ang lahat para mayro’n tayong sapat na supply ng bakuna,” dagdag ng senador. (PFT Team)

The post ‘Sumunod sa COVID-19 protocols sa lahat ng oras’ — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Sumunod sa COVID-19 protocols sa lahat ng oras’ — Bong Go ‘Sumunod sa COVID-19 protocols sa lahat ng oras’ — Bong Go Reviewed by misfitgympal on Mayo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.