Facebook

Agarang pagpapasa sa Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos bill, isinusulong ni Sen. Go

HININGI ni Senador Christopher “Bong” Go ang suporta ng kanyang mga kapwa mambabatas para sa agarang pagpapasa ng Senate Bill No. 2234, na magtatatag ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos.
Ang naturang panukala na iniakda at co-sponsored ni Go, ay isang consolidated version ng kanyang naunang panukalang batas na naglalayong lumikha ng Department of Overseas Filipinos.
Ayon kay Go, tinalakay na niya ito kay Pangulong Rodrigo Duterte upang masertipikahan bilang urgent.
Ang unang bersiyon nito ay sinertipikahan bilang urgent ng Pangulo.

“Isa po ito sa ipinakiusap ko sa Senate leadership na pag-usapan na i-certify as urgent. Ipinaalam ko rin kay Pangulo at inaasahan ko na mapipirmahan ng Pangulo at maisalang na agad, mapag-usapan na sa plenaryo, dahil matagal na po ito,” pahayag pa ni Go, sa isang radio interview.

Sinabi ng senador na kailangang magkaroon ng departamento para sa mga overseas Filipinos na siyang mag-aasikaso sa kanilang mga pangangailangan at iba pang alalahanin.

Bilang pagkilala na rin aniya ito sa kanilang mga sakripisyo para sa kanilang pamilya at kontribusyon sa ekonomiya bilang mga ‘bagong bayani’ o ‘modern day heroes’.

“Ako po, kahit anong pangalan, basta kapakanan ng mga kababayan natin ang importante dito. ‘Di nababayaran ang lungkot, napakahirap mapalayo sa pamilya. Maikli lang ang buhay ng tao, napapalayo ka sa pamilya, napakalungkot pero kailangan nilang magtrabaho sa abroad,” ayon kay Go. “Bigyan na natin sila ng departamento, malaking tulong sila sa ekonomiya. I’m appealing po sa mga kasamahan ko, ipasa na natin ito. Para naman ito sa mga overseas Filipinos.”

Isinumite ang SBN 2234 noong Martes, Mayo 25, at inisponsoran ni Senador Joel Villanueva at co-sponsored naman nina Senators Go at Ramon Revilla Jr. (Mylene Alfonso)

The post Agarang pagpapasa sa Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos bill, isinusulong ni Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Agarang pagpapasa sa Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos bill, isinusulong ni Sen. Go Agarang pagpapasa sa Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos bill, isinusulong ni Sen. Go Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.