NASA 287 na Chinese maritime militia vessels at ilang Vietnamese ships ang namataan sa Kalayaan waters na sakop na ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ayon sa ulat ng Area Task Force West ng National task Force on West Philippine Sea, ito ay base sa kanilang pagpaaptrolya noong Marso 9.
Ayon kay NTF-WPS Spokesman Assistant Secretary Omar Romero, pinakamaraming nakakumpol na Chinese militia vessels ay namataan sa artificial islands ng China habang ang iba ay naobserbahan malapit sa mga islang okupado ng Pilipinas.
Base aniya sa kanilang pagpapatrolya, dalawang Chinese militia vessels at dalawang houbei class missile warships ang nasa loob ng Panganiban o mischief reef; isang Chinese vessel sa lawak o Nanshan island, 11 sa may bahagi ng Recto o Reed Bank, isa sa Ayungin Shoal.
Sa Julian Felipe Reef naman aniya ay namataan ang 34 na Chinese militia vessels, dalang Vietnamese logistics supply ships at isang Vietnamese Coast Guard vessel sa Sin Cowe East Reef habang 77 Chinese militia vessels sa Chigua Reef.
Mayroon din aniya silang nakitang 14 na Chinese maritime militia vessels sa Panata Island, isang Vietnamese fishing vessal sa Kota Island, 64 na Chinese militia vessels sa Burgon o Gaven Reef North, dalawang Vietnamese fisheries surveillance ships at isang Chinese rescue service ship sa paredes reef, tatlong plan warships ag 55 Chinese militia vesses sa Kagitingan Reef.
Kaugnay nito, sinabi ni Romero na patuloy na pinalalakas ng gobyerno ng Pilipinas ang presensiya nito sa West Philippine Sea para igiit ang soberenya ng bansa at karapatan sa lugar.
Sa katunayan, patuloy aniya nilang hinihikayat ang ating mga mangingisda na pumalaot at mangisda sa West Philippine Sea.
Subaybayan!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:00am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria at 10:00am-11:00am – 3:00pm sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post 287 Barko ng China, namataan sa ‘kalayaan waters’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: