Facebook

300 nagtungo sa Ciudad Resort isasailalim sa swab testing at ma-quarantine

IGINIIT na hindi aarestuhin sa ngayon ang nasa 300 indibidwal na nagtungo sa Gubat sa Ciudad resort sa Caloocan City, ayon kay Caloocan Mayor Oscar Malapitan, dahil sa prayoridad na maisailalim sila sa swab testing at ma-quarantine.
“Hindi na muna, maaaring humantong tayo doon (arrest), pero ang importante ngayon, masabihan sila na mag-quarantine sila at meron tayong libreng swab,” sabi ni Malapitan. “Kasi pag sinabi mong papatawan, magtatago kaagad ‘yang mga ‘yan.”
Hamon aniya sa lokal na pamahalaan ang ma-contact trace ang 300 bisita sa resort.
“Merong iba na ibang pangalan ang ginamit, merong hindi ma-contact sa number nila.”
Ipinunto rin na inihahanda na ang mga reklamong isasampa sa may-ari ng resort na tinukoy lamang na “De Guzman Family.”
“Nitong Lunes pine-prepare na namin ‘yung criminal case against them, eh nagtatalo ho kami dahil yung father nila ay namatay na, kung kanino namin ipapangalan yung demandang inihain namin,” paliwanag pa ni Malapitan. (Beth Samson)

The post 300 nagtungo sa Ciudad Resort isasailalim sa swab testing at ma-quarantine appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
300 nagtungo sa Ciudad Resort isasailalim sa swab testing at ma-quarantine 300 nagtungo sa Ciudad Resort isasailalim sa swab testing at ma-quarantine Reviewed by misfitgympal on Mayo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.