Facebook

Akala may ayuda: Ilang grupo ng Muslim sumugod sa Manila City Hall

ILANG grupo ng muslim ang napasugod sa labas ng City Hall sa Lungsod ng Maynila kahapon.
Ito’y upang pumila sila para makakuha umano ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan.
Nabigla naman ang mga nagbabantay sa entrance ng Manila City Hall kaya’t nagpatulong sila sa mga pulis para masigurong nasusunod ang inilatag na health protocols.
Pero ayon sa ilang tauhan ng Manila LGU, wala silang inaanunsiyo hinggil sa sinasabing pamamahagi ng ayuda lalo at batid nila na nalalapit ang pagtatapos ng Ramadan o Eid’l Fitr ng mga Muslim.
Paliwanag ng ilang Muslim, nakatanggap sila ng mensahe na mamamahagi ng ayuda ang lokal na pamahalaan kaya’t pinapunta sila agad sa labas ng Manila City Hall.
Iginiit pa nila na may ilan na silang kasamahan ang nakakuha na ng ayuda kaya’t napasugod sila sa city hall. (Jocelyn Domenden)

The post Akala may ayuda: Ilang grupo ng Muslim sumugod sa Manila City Hall appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Akala may ayuda: Ilang grupo ng Muslim sumugod sa Manila City Hall Akala may ayuda: Ilang grupo ng Muslim sumugod sa Manila City Hall Reviewed by misfitgympal on Mayo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.