Facebook

5 PATAY SA VEHICULAR ACCIDENT SA QUEZON

Patay ang limang katao nang masangkot sa vehicular accident sa dalawang bayan sa lalawigan ng Quezon.
Sa ulat ni Quezon Police Provincial Office Director PCol. Ericson Dilag, naitala ang unang aksidente sa Maharlika highway, Barangay Sto. Cristo, Sariaya sa nasabing probinsya.
Sa ulat, binabaybay ng isang Yamaha Mio Sporty na minamaneho ni Ian Dave Seballos ang kalye nang mawalan ito ng kontrol kaya’t bumangga sa kasalubong na Isuzu MUX.
Dead on arrival sa ospital si Seballos dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan.
Patay din ang isang Rodrigo Umali nang mabangga ng isang kotse ang minamaneho niyang motorsiklo sa Eco-Tourism Road sakop ng Barangay Manggalang Kiling ng nasabi pa ring bayan.
Samantala, nasawi naman ang mag-asawang sina Dandy at Jocelyn Perez nang maaksidente habang lulan ng kanilang sasakyan sa Quirino Highway, Barangay San Isidro.

The post 5 PATAY SA VEHICULAR ACCIDENT SA QUEZON appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5 PATAY SA VEHICULAR ACCIDENT SA QUEZON 5 PATAY SA VEHICULAR ACCIDENT SA QUEZON Reviewed by misfitgympal on Mayo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.