Facebook

Convoy ng mga manggagawa hinarang ng mga tauhan ng MPD

Hinarang ng mga tauhan ng Manila Police District ang caravan ng mga jeepney lulan ang mga manggagawang lalahok sa pagtitipon para sa mga aktibidad sa pagdiwang sa International Workers’ Day o Labor Day 2021 sa Maynila.
Sa ulat, hinarang at na-impound na ng mga pulis-Maynila ang mga jeep at dinala ang mga driver sa MPD Station 4.
Ayon sa report, nangyari ang panghaharang sa panulukan ng España Boulevard at Blumentritt Street sa Sampaloc, Manila.
May kargang mga poster na may nakasulat na slogan na may kinalaman sa mga kahilingan ng mga manggagawa ngayong Araw ng Paggawa.
Minabuti na lamang umano ng mga manggagawang lulan ng mga jeep na magkakad patungo sa may harapan ng University of Sto. Tomas, kung saan nagtipon-tipon ang ilang grupo ng mga manggagawa.
Bukod sa mga jeepney, may mga puting van din ang hinarang ng mga tauhan ng MPD sa may kahabaan ng España Boulevard.
Itinakda ng mga grupo ng manggagawa ang isang pagkilos para sa Labor Day 2021 sa Liwasang Bonifacio area sa Maynila na nagsimula 9:00 ng umaga.

The post Convoy ng mga manggagawa hinarang ng mga tauhan ng MPD appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Convoy ng mga manggagawa hinarang ng mga tauhan ng MPD Convoy ng mga manggagawa hinarang ng mga tauhan ng MPD Reviewed by misfitgympal on Mayo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.