Greco Antonious Beda Banta Belgica. Isinilang noong March 27, 1978.
Anak nina Grepor “Butch” Belgica at Dra. Carmelita Banta Belgica.
Nagtapos ng kursong Komersyo major in Marketing sa San Beda University.
Nagtapos din ng kursong LLB sa Pamantasan Ng Lungsod Ng Maynila.
Nag-aral at nagtapos ng kanyang post graduate studies sa University of Californiaon Berkeley on International Trade and Commerce.
Naging isa sa pinakabatang Konsehal ng lungsod ng Maynila sa edad na 26.
Nahalal ito nong 2004-2007 at binansagang “Batang Magaling” ng Konseho ng Maynila.
Kasalukuyang Chairperson ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na pinagkatiwalaan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte para dumurog sa mga taong gobyerno na nahirati sa paggawa ng katiwalian.
Itinalaga si Chairman Greco ng Pangulong Duterte noong March 6, 2018 at nanunungkulan bilang pinuno ng PACC magpahanggang ngayon.
Kilala si Chairman Greco bilang ma-prinsipyong tao na tumatayo sa kanyang mga adbokasiya sa buhay laban sa katiwalian at korapsiyon.
In 2013, nine petitions were filed before the Supreme Court of the Philippines regarding the constitutionality of the pork barrel system. One of these petitions were filed by Belgica and his group. The Supreme Court ruled in favor of the petitioners, with a unanimous vote of 14-0-1 abstain, and said that pork barrel system is unconstitutional.
In its landmark decision G.R. No. 208566 the Supreme Court defined that the pork barrel funds are lump sum discretionary funds appropriated in both the executive and legislative department. It further held, that there two kinds of pork barrel funds. The executive lump sum discretionary funds and the legislative lump sum discretionary fund known as the PDAF.
However, in his stint as commissioner of the Presidential Anti-Corruption Commission, Belgica stated that Janet Lim-Napoles, believed to have masterminded the PDAF Scam, is not really the ‘mastermind’, just ‘willing beneficiary’.
Sa pinakahuling direktiba ng Pangalong Duterte, inatasan ng punong ehekutibo si Belgica na maigting na ipagpatuloy ang pagtugis sa mga magnanakaw at korap na opisyal at tauhan ng pamahalaan na nagsasamantala sa umiiral na pandemya dulot ng salot na Covid-19.
Upang lalo pang mapasidhi ang laban kontra katiwalian sa mga tanggapan ng gobyerno, nagbukas ng iba’t ibang platform si Chairman Belgica sa social media upang mahikayat na magsumbong ang mga mamamayan patungkol sa umiiral na mga kalokohan sa hanay ng mga opisyal at kawani ng gobyerno.
Sa ating personal na pagkakakilala kay Chairman Greco, naniniwala tayong tapat at wagas ang kanyang hangarin na tulungan ang administrasyong Duterte na sugpuin ang kultura ng korapsiyon sa hanay ng mga ahensiya ng gobyerno.
Bagamat bulok at nangangalingasaw ang matagal nang umiiral na sistema ng korapsiyon na pinagpipiyestahan at pinagpapasasaaan ng mga walang kabusugan at limatik na opisyal ng pamahalaan, umaasa si Chairman Greco na ito ay matutuldukan sa pakikipagtulungan na rin at kooperasyon ng taongbayan at sa sensiridad ng nakaupong lider ng bansa na si mahal na Pangulong Rody Duterte.
Personal nating hinihiling kay Chairman Greco ang pagtutok sa matinding korapsiyon sa DPWH partikular na sa mga hocus pocus na nangyayari sa kanialng mga biddings na manipulado at kontrolado ng isang Mafia sa loob ng kagawaran at kinabibilangan ng mga bugok na pulitiko at ‘fly by night’ contractors.
Hoping to meet you soon Chairman Greco Belgica sir!
More power and God Bless.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post ANTI-CORRUPTION CZAR NG DUTERTE REGIME appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: