MATAAS pa rin ang naitala ng Department of Health (DOH) na karagdagang kaso ng COVID-19 na umabot sa 7,533 noong Sabado ng hapon, May 29, 2021.
Samantala ay mayroon namang naitalang 7,533 na gumaling at 156 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (53,614) ang aktibong kaso, 93.9% (1,142,246) na ang gumaling, at 1.70% (20,722) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 27, 2021 ngunit mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: https://ift.tt/3kEXxbI. (ANDI GARCIA)
The post 7,533 na dagdag kaso ng COVID-19, naitala appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: