Facebook

EZ2 AT PERYANG BAYAN NI PERRY KABAYO ET AL

ASTIG pala talaga itong si Perry Kabayo sa kapulisan ng Quezon City at maging sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte.

Bakit kanyo? Sa kabila nang umiiral na pandemya,tuloy sa pamamayagpag ang kanyang pasugal na EZ2 at Peryang Bayan.

Bukod kay Perry Kabayo,may ilan pang sikat at astig na gambling lords ngayon sa siyudad ni Mayora Joy Belmonte gaya ni Madam Baby alyas Tisay, Bobby Kalayaan,Cynthia Tepang,Ver Bicol,Totong Pulis,Pining Pinong,Boy Abang at carlo Dong Buyer.

Kaladkad ng grupong ito maliban kay Mayora Joy ay ang malinis na pangalan ni chief PNP Gen. Guillermo Eleazar na kumpareng putik umano ni Perry Kabayo.

Si Perry Kabayo umano ang tumatayong lider ng mga kupal na gambling lords ng Kyusi.

Matindi rin talaga ang kapit kay Satanas nitong si Perry!

Sa dinami-dami ng natigok sa Covid-19,bakit tila di kumakapit sa kapwa nito salot ang Corona virus.

Pati si Gen.Eleazar ay nagagamit nitong si Perry Kabayo at ng grupo nito sa katarantaduhan.

Bakit kaya puro linyahang iligal ang pinapasok nitong si Perry Kabayo.

Marami sa mga tradisyunal na gambling operators ng Kyusi ay buhay pa rin at namamayagpag!

Andyan pa rin si Tepang na kilalang “bugaw king” ng Quezon City na mula sa pagmamay-ari ng mga small-time beerhouses cum putahan ay nagventure na rin sa opisyon ng illegal gambling.

Ang siste bukod sa pagiging sipsip sa mga taga city hall at sa gagong Taddy Kupal,panakot ng grupo ni Perry Kabayo ang malinis na pangalan ni Gen. Eleazar.

Location ng mga gambling joints na ito ay halos lahat ng sulok ng siyudad ni Mayora Joy Belmonte gaya ng sa Masambong,Tandang Sora,Sangandaan,Novaliches,Fairview,Manggahan,Cubao,Batasan Commonweatlh Galas at Balintawak.

Dalawa sa pinakasikat na kolektor ng intelihensiya sa illegal gambling sa Quezon City ay sina alyas Jessie at Dong Bayer.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post EZ2 AT PERYANG BAYAN NI PERRY KABAYO ET AL appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
EZ2 AT PERYANG BAYAN NI PERRY KABAYO ET AL EZ2 AT PERYANG BAYAN NI PERRY KABAYO ET AL Reviewed by misfitgympal on Mayo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.