Facebook

Abortionist na lola, 2 pa timbog

DINAKIP ang 69-anyos lola at dalawa pa niyang kasabwat sa abortion sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Commonwealth, Quezon City, Biyernes ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina Rosa Tabuso, 65, biyuda, vendor; magkapatid na Lito Calipusan, 42, habal-habal driver; at Rolando Calipusan, 29, self-employed, pawang naninirahan sa Waterhole, Barangay Commonwealth.
Sa report, isang 11-anyos na babae na kinilala na lamang sa pangalang ‘Baby’ ang nagsumbong kungsaan ginagawa ang abortion pero walang binanggit ang mga awtoridad kung isa ang naturang bata sa mga nagpa-abort.
Sa imbestigasyon ni PCMS Elizalde Toledo ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, 9:30 ng gabi (Mayo 7) nang salakayin ang bahay ng mga abortionist.
Nabatid na ang magkapatid na Calipusan ang sumusundo o naghahanap ng mga kliyente ng lolang aborsiyonista at binibigyan lamang sila ng maliit na komisyon.
Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 10354 (The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012), RA 7610 (Child Abuse Law), RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) at estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code ang mga naaresto.(Boy Celario)

The post Abortionist na lola, 2 pa timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Abortionist na lola, 2 pa timbog Abortionist na lola, 2 pa timbog Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.