Facebook

Miembro ng Phil. Team Billiard Player , 9 pa huli sa illegal gambling

DINAKIP ang sampung katao kabilang ang isang miyembro ng Philippine Team Billiard Player sa pagsusugal at paglabag sa health protocol na ipinaiiral ng gobyerno sa Brgy. E. Rodriguez, Quezon City Linggo ng umaga.
Kinilala ang mga dinakip na sina Jesus Dacoro, 52, self-employed, may-asawa ng Gulod, Novaliches, QC; Mark Anthony Querubin, 34, online seller, may-asawa, ng Purok 19 San Lorenzo Ruiz, San Rogue, Antipolo City; Mark Lloyd San Pedro, 36, billiard player, binata ng 104 Labao St., Ligid Tipal Taguig City; Brian Bucio, 35, binata, Toktok driver ng 541 Kayumanggi St., Barangka Drive, Mandaluyong City; Aevan Gonzal, 29, nurse attendant, binata, ng Binangonan Rizal; Edwin Dela Cruz, 30, Philippine Team Billiard Player, binata, ng 30A Santalla St, Pasig City; Batch Merch Obispo, 35, may asawa, agent, ng Binangonan Rizal; Jun Talosig, 46, jobless, may asawa, ng Cubao, QC; Norodin Cervantes, 38, may asawa, driver, ng upper Bicutan, Taguig City, Michael Ubaldo, 33, driver, binate , ng Sitio De Asis Parañaque City.
Ayon sa Public Information Office ng Quezon City Police District (QCPD-PIO) dinakip ang mga suspek 5:40 ng umaga, Mayo 9, 2021 (Linggo) sa Barwen Restobar sa no. 82 St. Mary Street, E. Rodriguez, Quezon City.
Sa report, bago ang police operation nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng QCPD hinggil umano sa reklamo ng illegal gambling activity sa lugar at paglabag sa health protocol.
Agad nagsagawa ng police operation ang mga tauhan ng DSOU sa pangunguan ni PMAJ. Sandie Caparroso, PLT Ronnie Ereño at PLT Honey Besas at mga tauhan ng Cubao police station at dinakip ang mga suspek matapos maaktuhang nagsusugal ng larong billiard at paglabag sa health protocol.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kaso. (Boy Celario)

The post Miembro ng Phil. Team Billiard Player , 9 pa huli sa illegal gambling appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Miembro ng Phil. Team Billiard Player , 9 pa huli sa illegal gambling Miembro ng Phil. Team Billiard Player , 9 pa huli sa illegal gambling Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.