Facebook

Average ng mga bagong COVID-19 cases sa NCR, bumaba ng 30% – OCTA

INIULAT ng OCTA research group na bumaba na ng 30% ang average ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitatala kada araw sa National Capital Region (NCR) nitong nakalipas na linggo.

Base sa May 15 bulletin ng OCTA, nabatid na mula Mayo 9 hanggang Mayo 14, ang average new COVID-19 cases per day sa Metro Manila ay nasa 1,644, o 30% pagbaba mula sa nakalipas na linggo.

Iniulat rin ng OCTA na ang reproduction number sa NCR ay bumaba na rin sa 0.57 habang ang positivity rate naman sa rehiyon ay bumaba na rin sa 12%.

Ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR ay bumaba rin sa below 12 per 100,000.

Malaki rin ang ibinaba ng ADAR sa Navotas, Malabon, Manila, at Caloocan na nasa below 10 per 100,000, na base sa klasipikasyon ng Department of Health (DOH) ay nasa moderate risk na. (ANDI GARCIA)

The post Average ng mga bagong COVID-19 cases sa NCR, bumaba ng 30% – OCTA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Average ng mga bagong COVID-19 cases sa NCR, bumaba ng 30% – OCTA Average ng mga bagong COVID-19 cases sa NCR, bumaba ng 30% – OCTA Reviewed by misfitgympal on Mayo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.