Facebook

Babala ni Mayor Panaligan diretso sa kulungan sa nagbebenta ng COVID-19 vaccination slot

MAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang mga nagbebenta ng COVID-19 vaccination slots.

Ito ang babala ni Calapan City Mayor Arnan Panaligan laban sa sinumang mapatunayang responsible sa pagbebenta ng vaccination slot.

Sa kasalukuyan ay wala pa umanong insidente na nangyari sa naturang lungsod hinggil sa napaulat na may ibinibentang vaccine slot na nagkakahalaga ng P12,000 hanggang P15,000.

Muli namang nilinaw ni Mayor Panaligan na libre ang bakuna at ipamamahagi ito sa lahat ngunit sinusunod muna ng pamahalaang lungsod ang priority list sa pagbabakuna.

***

Samantala tuloy-tuloy ang infra project ng lungsod ng Calapan talagang masisiyahan ka kapag napapadaan ka hanggang sa kanayunan ng administrasyon ni Mayor Arnan Panaligan.

Dagdag pa riyan ang maraming infra project na natapos at ongoing project.

Bagama’t hindi lahat kayang pagsabay-sabayin ang lahat ng pagpapasemento ng bagong bukas ng kalsada ganundin ang mga paliting lumang kalsada ng Calapan City, ang mahalaga ay nakikita ng mga Calapeño na ang kanilang ibinabayad na buwis ay napapalagay sa maayos at sa masinop na pamamahala ni Mayor Arnan Panaligan.

***

Bukas din ang palad sa lahat kung saan mahigit dalawang dekada konang nasundan at nasaksihan ang serbisyo publiko na ginagawa ni Mayor Arnan Panaligan, panahon man ng kampanya o hindi, ay nariyan siya na patuloy na naglilingkod sa mamamayan ng lungsod ng Calapan.

Hindi man siya kasingyaman ng ibang pulitiko subalit nagagawan n’ya ng paraan na matugunan ang kanyang ipinangako sa taongbayan. At sa mga nagsasadya sa kanyang tanggapan, magsabi lang at kanyang sosolusyunan sa abot ng kanyang makayanan.

***

Rest In Paradise HONRADO “DING” VEGA A.K.A. Tito Ding, You can now rest peacefully. As they say you have finished the race and you have fought a good fight. Thank you for the opportunity to have worked with you at DWOM 105.5 kHz FM and MIMAROPA PNP PRESS CORPS. Thanks for the many good memories. Till next time? Paalam!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, lunes miyerkules at biyernes 12:00noon-1:00pm sa DWXR 101.7 FM kalahi- Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!

The post Babala ni Mayor Panaligan diretso sa kulungan sa nagbebenta ng COVID-19 vaccination slot appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Babala ni Mayor Panaligan diretso sa kulungan sa nagbebenta ng COVID-19 vaccination slot Babala ni Mayor Panaligan diretso sa kulungan sa nagbebenta ng COVID-19 vaccination slot Reviewed by misfitgympal on Mayo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.