Facebook

Bong Go: Isantabi ang pulitika para malagpasan ang COVID-19

IDINIIN ni Senator Christopher “Bong” Go na hindi ito ang tamang oras sa pamumulitika habang nagsisikap ang pamahalaan na malagpasan ng bansa ang global health crisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, nanawagan si Go ng pakikiisa at kooperasyon sa patuloy na paglaban ng bansa na mapigil ang COVID-19 pandemic.

Hinimok niya ang mga lider sa bansa na isantabi ang pagkakaiba-iba ng interes o paniniwala upang maharap natin ang patuloy na banta ng coronavirus.

“Isipin natin ang kapakanan ng Pilipino. Sana ay wala munang pamumulitika. Isantabi muna ang pulitika at unahin natin ang kapakanan ng mga mahihirap, lalong-lalo na ang mga ‘isang kahig, isang tuka’. Magkaisa na lang tayo,” ang apela ni Go.

Nang tanungin hinggil sa payo ng ilan na magsama sa isang infomercial sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo upang mapalakas ang tiwala sa bakuna ng taongbayan, sinabi ni Go bukas siya sa nasabing ideya lalo’t marami pa tayong kababayan na ayaw pa magpabakuna. Gayunman, ipinauubaya niya ang pagdedesisyon kay Pangulong Duterte kung ano ang makabubuti.

Sinabi ni Go na hindi dapat mahaluan ng motibong pulitikal ang pagsisikap na mapalakas ang vaccine program.

“Okay naman ang idea. Maganda na-eencourage [ang mga kababayan] natin kaya lang … pero nakakalungkot isipin na nung una na walang bakuna, binabatikos ang gobyerno na asan ang bakuna. Nu’ng nandiyan na ang bakuna, binabatikos pa rin ang gobyerno na bakit ganyan ang dumating,” ani Go.

“Ngayon, maganda na ang takbo [ng vaccine rollout]. Marami na ang nabakunahan tapos sasabihin naman na magpabakuna tayo nang sabay? We have to be consistent dito,” ayon sa senador. (PFT Team)

The post Bong Go: Isantabi ang pulitika para malagpasan ang COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Isantabi ang pulitika para malagpasan ang COVID-19 Bong Go: Isantabi ang pulitika para malagpasan ang COVID-19 Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.