PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang report ng Washington-based International Budget Partnership on the transparency sa COVID-19 fiscal policy responses na isinagawa ng 120 bansa simula Marso hanggang September noong 2020.
Sa nasabing report, lumilitaw na nakuha ng Pilipinas ang sapat na “level of accountability” sa implementasyon ng fiscal measures sa ilalim ng Republic Act No. 11469 o ng Bayanihan to Heal as One Act.
Higit dito, isa ang Pilipinas sa apat na bansang natuklasang nagpakita ng pagiging transparent sa fiscal response, kasama ng Australia, Norway at Peru.
“I welcome the findings of the International Budget Partnership. Ipinapakita lamang nito na maski ang ibang bansa ay nakikita ang malinis na pamamalakad ni Pangulong Duterte, lalung lalo na sa panahon ngayon kung saan maraming Pilipino ang nangangailangan ng tulong,” ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health.
Sa report na may titulong ‘Managing COVID Funds: The Accountability Gap’, natuklasan ng IBP na higit two-thirds lamang ng mga bansang sinarbey ang nagpakita ng limitado o minimal na “levels of accountability” sa pagpapatupad ng kanilang fiscal response.
Bilang halimbawa ng mahusay na pamamalakad ng Pilipinas, ini-highlight sa report ang mga probisyon na kinabibilangan ng Bayanihan 1 na nag-aatas sa Executive branch na magsumite ng lingguhang report nito sa Joint Congressional Oversight Committee; pati na rin ang batay sa resulta na pagsusuri ng Batas na isinagawa ng Congressional Policy and Budget Research Department. Nabanggit din sa ulat ang Dagyaw 2020 ng bansa: Open Government Virtual Town Hall Meetings, isang serye ng mga pampublikong konsulta ng pamahalaan at NGOs, upang matiyak na magpapatuloy ang mga dayalogo sa mga patakaran sa pagtugon ng gobyerno sa panahon ng COVID-19 crisis.
Samantala, nanawagan si Go sa lahat ng kinauukulang ahensya na mahusay na isagawa ang mga probisyon ng kasunod na Bayanihan to Recover as One Act at iba pang stimulus na hakbang upang mapanatili ang pamantayan ng pananagutan at transparency ng bansa. Ipinatitiyak din niya na ang tulong sa pananalapi ng gobyerno ay matatanggap ng mga sektor na higit na tinamaan ng nagpapatuloy na krisis.
“In our zero-tolerance policy against corruption, there are no sacred cows as we demand full accountability from our public servants. The people must also know where their money is going and how it is being used. That is why every peso should be accounted for and used solely for public service,” ani Go.
“Every peso counts, especially in times of crises. To the implementing agencies, make sure you properly spend public funds and implement programs that will benefit the poor and vulnerable sectors,” paliwanag ng senador.
“Siguraduhin natin na magagamit ang pera ng bayan ng tama. Siguraduhin natin na makakarating ang tulong sa pinaka-nangangailangan at pinaka-apektado. At siguraduhin natin na walang pinipiling oras ang ating pagtulong at pagserbisyo sa ating mga kababayan,” idinagdag niya.
Hiniling din ni Go sa mga Filipino na maging kabahagi sa responsibilidad na pagtataguyod ng integridad sa pamahalaan at tiyakin na ang mahusay na pamantayan ay naisasagawa.
“I am urging each Filipino to report any anomaly they see in the government. In eliminating corruption in the country, it must involve the entire nation. Your reports as citizens will help authorities conduct accurate fact-finding inquiries, lifestyle checks and other investigative procedures,” ayon sa senador.
Noong Agosto 2020, iginiit ni Go kay Pangulong Duterte na lumikha ng Inter-agency Task Force na magsisiyasat sa mga kumukulapol na isyu sa Philippine Health Insurance Corporation kasunod ng mga alegasyon ng katiwalian.
Tumulong din siya sa pagtatatag ng Truth and Justice Coalition sa pakikipagtulungan ng Presidential Anti-Corruption Commission habang siya’y nagsisilbi pang Special Assistant to the President.
Ang coalition ay nilikha para mabigyan ng pagkakataon ang pribadong sektor na makilahok sa kampanya ng pamahalaan laban sa graft and corruption. (PFT Team)
The post PRRD admin, pinuri ni Bong Go sa malinis na pamamalakad, paggamit ng pondo sa COVID-19 pandemic appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: