If the desires are not controlled now, later they will control you.
— Indian Hindu spiritual healer Mata Amritanandamayi Devi
PASAKALYE:
Text message . . .
Walang kuwenta ang isinulat ng TEKA MUNA. Parang bilib-na-bilib pa kay PIM. Kung nais ng Pangulo na matakot ang mga tiwali at mga magnanakaw sa gobierno at mga ismagler sa Customs, parusang life imprisonment sa mga magnanakaw o mandarambong. Hahahahahahahaha. Mr. BAMBI, sino ba mga tiwali, magnanakaw at mandarambong sa gobyerno ni PIM? ‘Di ba mga kaalyado niya? May oposisyon ba sa mga nagnanakaw? E baka kulong agad ‘yan tulad ni DeLIMA. Sa BoC ilang tuta ni PIM ang mandarambong d’yan, nakulong ba ng isang araw? Binigyan pa sila ng magandang posisyon ‘di ba? Nakalimutan mo na ba lahat ‘yan? Sa isyu ng WPS ano’ng say mo, Bambi? Isa ba siyang tamang lider ng landas na sinasabi mo? Hahahaha. Oo may isang salita siya, na ang WPS ay sakop ng China pinanindigan niya ‘yan ‘di ba? Ikaw sir, sang-ayon ka ba? Anong mga pangako ni PIM na tinupad niya, meron ba? Ang pangako niya sa China iyon ang pinaninindigan niya. ‘Di na kita IDOL. Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, May 21, 2021)
* * *
AYON sa isa nating impormante, may isang beerhouse sa Caloocan City na itinuturing na ‘untouchable’ kaya dinudumog at dinarayo ng mga parokyanong manginginom. Punung-puno daw ang loob nito at ang mga ‘chick-a-babe’ ay nakakandong pa sa mga kostumer.
Ayon pa sa ating tagasumbong, police major umano ang may-ari ng establisimento at malakas sa alkalde ng lungsod o kung sinumang alipores ni mayor OSCAR MALAPITAN.
At dinagdag pa ng ating reader na concerned citizen, dumarami din ang mga bayarang babae nanaglipana sa Caløocan.
Kung nais ng DILG na matunton kung saan ang binanggit nating inuman, matatagpuan ito sa may 5th Avenue, papuntang La Loma cemetery, at halos tatlong bloke lang layo sa Rizal Avenue.
Ala-6:00 pa lang ng hapon o gabi ay nagbubukas na ang beerhouse ni MAJOR at hanggang madaling araw ito open sa lahat ng lasenggo at babaero.
Pero walang pangalan ang establisimento at basta na lang makikita dahil maraming mga babaeng nakaupo at nakaistambay sa labas nito. Parang poultry nga raw ang loob at sobrang dami ng tao ang nagliliwaliw sa kabila ng banta ng Covid-19 kaya wala nang social distancing at tiyak na wala na ring suot na face mask o face shield.
Nagtataka nga lang kami na walang ginagawa ang barangay chairman ditto—kahit alam naman nating sila’y mga ‘person-in-authority’ at mga halal na opisyal kaya dapat kahit heneral pa ay sumunod sa kanilang kautusan. Sa ganitong situwasyon sa Caloocan, lumilitaw na hindi lang pala sa kupitan ng pera magagaling ang ating mga punong barangay kundi maging dangal ng mga kababaihan ay kinukupit nila.
Pang ilang chairman na ba ang naaktuhang mahilig sa laman? Iyong isa nga nahuli sa video na nakikiupagtalik sa kanyang sektretarya at dogstyle pa! Hahahaha. Kakapal ng pagmumukha n’yo. Gahaman na sa pera gahaman pa sa kamunduhan!
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
The post Gahaman sa Laman appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: