Facebook

Daddy todas sa taga ng anak

Patay ang isang ama nang tagain ng bolo sa ulo ng anak sa Siayan, Zamboanga del Norte.
Kinilala ang biktima na si Carlito Amacna y Empiston, 61 anyos; habang tumakas naman ang salarin na si Ernesto Amacna, 29, kapwa naninirahan sa Sitio Taplan, Monuz, Siayan.
Ayon sa ulat, 9:00 ng gabi nang maganap ang pananaga sa Sitio Taplan.
Sa report, nag-uusap ang biktima at isang Reynaldo Andas nang dumating ang anak na si Ernesto at bigla nalang tinaga ng walang sabi-sabi ang ama. Tinamaan ang biktima sa kaliwang tenga. At mabilis naman tumakas ang salarin.
Isinugod sa Siayan Diagnostic Center ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay. (Mark Obleada)

The post Daddy todas sa taga ng anak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Daddy todas sa taga ng anak Daddy todas sa taga ng anak Reviewed by misfitgympal on Mayo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.