Facebook

Hepe ng traffic police patay sa bangga ng truck

NASAWI ang isang hepe ng traffic police nang mabangga ng truck sa national highway sa Laguindingan, Misamis Oriental nitong Lunes.
Kinilala ang biktima na si Police Major Abogado Mautin.
Ayon sa ulat, papunta sa Cagayan de Oro si Mautin at habang bumabaybay sa highway sa Barangay Mauswagon nang nawalan ng preno ang trak na kasalubong nito.
Bumangga ang truck sa kaniyang kotse at sa tindi ng impact ay nayupi ang harap at gilid ng kotse ni Mautin.
Naipit sa loob ng kotse at nagtamo ng matinding sugat sa katawan si Mautin. Hindi na ito umabot ng buhay sa ospital.
Nakakulong na sa istasyon ng pulis sa Laguindingan ang driver ng trak.

The post Hepe ng traffic police patay sa bangga ng truck appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hepe ng traffic police patay sa bangga ng truck Hepe ng traffic police patay sa bangga ng truck Reviewed by misfitgympal on Mayo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.