Facebook

Grizzlies sinibak ang Spurs sa play-in round

SINIBAK ng Memphis Grizzlies ang San Antonio Spurs sa unang laro sa NBA play-in round sa score na 100-96,sa FedEx Forum kahapon.
Dahil ito mag-aantay ngayon ang Grizzlies kung sino ang kanilang lalabanan sa pagitan naman ng Lakers at Warriors.
Malalaman naman sa huli kung sino ang papasok para sa No. 7 at No. 8 spot sa Western Conference.
Sa darating na Lunes ay magsisimula na rin ang first round ng NBA playoffs kung saan nag-aantay din ang top team na Utah Jazz kung sino ang kanilang makakaharap.
Sa laro kahapon ng Grizzlies nagsama ng puwersa sina Jonas Valanciunas na may season-high na 23 rebounds at 23 points at si Ja Morant ay nagdagdag naman ng 20 puntos at anim na assists.
Minalas naman ang Spurs dahil ito na ang kanilang ikalimang sunod na talo.
Kinapos rin ang diskarte nina DeMar DeRozan at Rudy Gay na nagposte ng parehong 20 points.
Nasayang din ang ginawa ni Dejounte Murray na naglista sa kanyang ikalimang triple-double gamit ang 10 points, 13 rebounds at 11 assists.

The post Grizzlies sinibak ang Spurs sa play-in round appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Grizzlies sinibak ang Spurs sa play-in round Grizzlies sinibak ang Spurs sa play-in round Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.