Facebook

Isko, fully vaccinated na

FULLY vaccinated na si Manila Mayor Isko Moreno.

Ito ang kinumpirma ng alkalde na nagsabi na sa kabila na tinanggap na niya ang second dose ng Sinovac ay patuloy pa rin siyang nag-iingat at ito rin ang bilin niya sa ibang fully vaccinated na.

Bilang patotoo ay patuloy ang alkalde sa pagsusuot ng face mask at nag-o-observe ng proper physical distancing, ito rin ang panawagan niya sa lahat ng bakunado na.

Umapela rin si Moreno sa lahat ng mga tumanggap ng kanilang first dose na huwag papalya sa pagtanggap ng kanilang second dose.

“Di bale sobra sa araw, ‘wag lang kulang. Sa second dose, right now, ang pinatutupad ng WHO, DOH at IATF ay 28 days ang pagitan ng first at second dose ng Sinovac,” ayon sa alkalde.

Ang pahayag ni Moreno ay bilang tugon sa katanungan sa kanyang live broadcast, kung okey lang na tumanggap ng second dose nang mas maaga o lagpas sa itinakdang 28 araw?

Kasama rin sa sinagot ng alkalde ay ang tanong kung puwede bang magpaturok ng ibang brand ng bakuna sa second dose at kaiba sa unang brand na itinurok sa Maynila.

Ayon kay Moreno, may mga pag-aaral na ginagawa sa paghahalo ng bakuna, pero hindi pa ito uubra sa kasalukuyan.

Ipinaliwanag din ni Moreno na ang ang second dose ay nai-allot na sa mga tumanggap ng first dose.

Idinagdag din ng alkalde na ang brand para sa second dose ay kailangan na katulad ng first dose. Hindi rin ipinapayo kung maghahalo ang bakuna sa panahong ito na hindi pa sapat ang ginagawang pag-aaral. Mapagkakaitan din ang mga tumanggap ng brand ng bakuna sa kanilang first dose kapag kailangan na nilang tumanggap ng second dose.

Muli ay iginiit ni Moreno na ang pagiging fully vaccinated ay hindi nangangahulugan na immune ka na COVID-19.

Sinibi ng alkalde na ang pagiging bakunado ay magbibigay lamang ng karagdagang proteksyon upang huwag mauwi sa severe o critical condition ang kasa sakaling tamaan ka ng case coronavirus. (ANDI GARCIA)

The post Isko, fully vaccinated na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Isko, fully vaccinated na Isko, fully vaccinated na Reviewed by misfitgympal on Mayo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.