Facebook

Mommy ‘di umabot sa ‘Mother’s Day’, patay sa bangga

HINDI na umabot sa ‘Mother’s Day’ ang isang ginang nang masalpok ng motorsiklo ang sinasakyang “garong” na gamit sa pagtitinda nito ng karne ng baboy sa Asingan, Pangasinan noong Biyernes.
Kinilala ang biktima na si Rachelle Gobina, ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, sakay ang biktima sa isang garong nang salpukin ng motorsiklong minamaneho ni Jimroy Cruz ng Barangay Domanpot, Asingan.
Sa lakas ng pagkakabangga ng garong, tumilapon ang ginang ng ilang metro at nagtamo ito ng malalim na sugat sa katawan at ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Si Cruz ay nagpapagaling naman sa ospital dahil sa tinamong sugat sa katawan.
Sa report, biglang lumiko ang garong dahilan para mabangga ni Cruz na mabilis ang takbo.
Bukas naman ang pamilya ni Gobina na makipag-usap sa kabilang panig upang hindi na sila umabot sa demandahan.

The post Mommy ‘di umabot sa ‘Mother’s Day’, patay sa bangga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mommy ‘di umabot sa ‘Mother’s Day’, patay sa bangga Mommy ‘di umabot sa ‘Mother’s Day’, patay sa bangga Reviewed by misfitgympal on Mayo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.