Facebook

5 bayan sa SoCot sinalanta ng buhawi

LIMANG bayan sa lalawigan ng South Cotabato ang apektado ng pananalasa ng buhawi kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Daan-daang bahay na nasira pati narin mga pananim.
Ayon kay Emil Sumagaysay, MDRRMO sa bayan ng Tupi, sa kanilang bayan lamang ay apat na barangay ang apektado. Ito ay ang Bgy. Kablo, Linan, Simbo at Acmonan kungsaan 117 haya ang nawasak at maraming pananim ang apektado.
Samantala, tatlong barangay naman ang apektado sa bayan ng Tampakan kungsaan 10 ang totally damaged at 12 partially damaged.
Tinatayang aabot sa P2 million ang danyos sa nasabing kalamidad.
Ayon kay Tampakan Mayor Leonard Escobillo, kabilang sa nasira ang poultry farm na pagmamay-ari ng mga ito at banana plantation na sa harvestable stage na at tinatayang higit P2 million din ang pinsala.
Matagal ring na-stranded ang ilang sasakyan dahil sa mga nabaling sanga ng mga malalaking kahoy sa mga bayan ng Surallah at Lake Sebu .
Habang tinangay naman ng hangin ang ilang barong barong ng mga magsasaka at ilang residente sa bayan ng T’boli, South Cotabato.

The post 5 bayan sa SoCot sinalanta ng buhawi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5 bayan sa SoCot sinalanta ng buhawi 5 bayan sa SoCot sinalanta ng buhawi Reviewed by misfitgympal on Mayo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.