Facebook

Rapist ng kaanak 5 taon nagtago timbog sa Marikina

SWAK sa piitan ang isang “wanted rapist” na ilang ulit gumahasa sa kanyang kaanak noong April 26, 2017 matapos madakip ng pulisya sa Marikina City.
Kinilala ni Major Fernildo De Castro, hepe ng SIDMS ng Marikina City Police, ang nadakip na si Adrian Librando, 29 anyos, nakatira sa Ampalaya St., Barangay, Tumana, Marikina City.
Naaresto si Librando 1:20 ng hapon ng Mayo 6, makaraang magtago ng 5 taon at dumalaw sa bahay nito sa Ampalaya Street.
Ayon kay PEMS Aladin Alingas, PCMS Geovanie Torres at mga kasamahan, gamit nila sa pag-aresto kay Librando ang warrant of arrest mula sa sala ni Judge Lorna F Catriz-Chua Ching ng Branch-68 Marikina City sa kasong ‘Statutory Rape’ at ‘no bail recommended’.
Ginahasa umano ni Librando ang kanyang kaanak na babae at kapitbahay nang mala-sing noong 2017 ng gabi.(Edwin Moreno)

The post Rapist ng kaanak 5 taon nagtago timbog sa Marikina appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Rapist ng kaanak 5 taon nagtago timbog sa Marikina Rapist ng kaanak 5 taon nagtago timbog sa Marikina Reviewed by misfitgympal on Mayo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.