Facebook

Mag-amang wanted, 1 pa todas sa warrant

PATAY ang mag-ama na kabilang sa ‘most wanted person’ ng pulisya at isang babae sa isinagawang operation sa Tawi Tawi nitong Linggo ng madaling araw
Kinilala ang mga napatay na sina Girang Lipae, No. 5 Most Wanted Person ng Police Regional Office BAR; at anak na si Basil Lipae alias Botchoy, No. 2 Most Wanted sa Languyanolice Station; habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na babae.
Ayon kay PNP Chief, General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, 4:00 ng magdaling araw nang magsagawa ng ope-rasyon ang pinagsanib na elemento ng Regional Intelligence Unit 9, PNP-IG, 5th Special Action Company, PNP-SAF; 1st SOU, PNP-Maritime Group at Marime Battalion Landing Team-12 sea waters ng Barangay Sipangkot, Sitangkai, Tawi-Tawi,
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng arrest warrant sa kasong Multiple Murder mula sa sala ni Judge Hakim Abdulwahid ng RTC, 9th Judicial Region, Branch 5 ng Bongao, Tawi-Tawi laban sa mag-ama.
Sa report, sangkot ang mag-ama sa operasyon ng iligal na droga sa mula sa Sabah, Malaysia at pagkubkop sa bahay ng kapitbahay.
Narekober ng mga otoridad ang isang M1 Garand, 1 cal 38 Pistol, 1 FN Cal 7.62 rifle, magazine na may 19 bala ng cal 7.62 at 3 bala ng cal 38. (Mark Obleada)

The post Mag-amang wanted, 1 pa todas sa warrant appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-amang wanted, 1 pa todas sa warrant Mag-amang wanted, 1 pa todas sa warrant Reviewed by misfitgympal on Mayo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.