PINABUBUSISI ni Deputy Minority Leader at Marikina Rep. Stella Quimbo sa Kamara ang kasalukuyang lagay at mga hakbang na ginawa ng PhilHealth para maresolba ang mga isyu na may kaugnayan sa korapsyon ng ahensya na pinalala pa ng pandemya sa COVID-19.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Quimbo na dapat imbestigahan ang mga aksyong inilatag ng PhilHealth sa anomalya sa National Health Insurance Program partikular sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) at sa case rate system.
Natapos na aniya ang unang quarter ng 2021 ay wala pa ring naisusumite ang PhilHealth na report sa Kongreso patungkol sa repormang ginawa ng ahensya matapos makaladkad ito sa mga corruption issues.
Naging anomalya sa IRM ang paglalabas ng pondo ng PhilHealth sa mga rehiyon na may isa o wala talagang kaso ng COVID-19 habang ang mga itinuturing na COVID-19 hotspot areas ay hindi man lang nabigyan ng malaking pondo.
Gusto rin ni Quimbo na hingan din ng update ang PhilHealth sa isyu nito sa case rate system kung saan nabusisi sa naunang congressional inquiry ang underpayment at overpayment lalo na sa mga COVID-19 cases.
Maliban dito ay pinapaimbestigahan din sa komite ang naging solusyon sa pamamahala at paggamit sa pondo ng PhilHealth at ang malaking utang ng ahensya sa mga pribadong ospital.
Subaybayan!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:00am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria at 10:00am-11:00am – 3:00pm sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post Lagay ng Philhealth ngayong pandemya pinabubusisi sa Kamara? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: