Facebook

LAPU-LAPU NADALE ANG DUMAGUETE NEXT ANG MANDAUE

NILAPLAP ng ARQ Builders Lapu-Lapu City, sa pangunguna ng beteranong si Reed Juntilla, ang Dumaguete sa kabuuan ng second half tungo sa 92-76 panalo nitong Linggo ng gabi sa knockout quarterfinals ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg sa Alcantara Civic Center sa Cebu.
Pabida ang pambato ng University of the Visayas sa naiskor na career-high 33 puntos mula sa 16-of-26 shooting, bukod sa pitong rebounds at isang steal para sandigan ang Heroes sa kombinsidong panalo at makamit ang karapatan na labanan ang KCS Computer Specialists-Mandaue City sa semi-finals na magsisimula sa Martes (Mayo 4) ganap na 6:00 ng gabi.
Mabigat ang laban ng ARQ sa Mandaue na tangan ang twice-to-beat advantage sa duwelo matapos makamit ang No.2 spot matapos ang double-round elimination na may 8-2 karta.
Ang magwawagi sa duwelo ang haharap sa naghihintay na MJAS Zenith-Talisay City sa best-of-three championship. Awtomatikong umusad ang Talisay sa Finals nang mawalis ang elimination sa six-team tournament ng kauna-unahang professional basketball league sa South.
“Reed Juntilla is Reed Juntilla,” pahayag ni ARQ assistant coach Jerry Abuyabor. “He’s finally back! That’s the Reed Juntilla we have been missing for the past games.”
Sinamantala ng ARQ ang pagkahapo ng Dumaguete squad na galing sa pahirapang 67-65 overtime win kontra Tabogon sa stepladder phase ng playoffs Sabado ng gabi para maitarak ang 14-2 run sa pagsasara ng third period para sa 64-52 bentahe.
Sa kabila nito, hindi nawalan ng loob ang Warriors at nagpakawala ng mainit na opensa tampok ang tatlong sunod na three-pointer ni Ronald Roy para maidikit ang iskor sa 71-77.
Ngunit, hindi na hinayaan ng ARQ na maagaw ng Dumaguete ang momentum matapos umiskor si Rino Berame sa putback at short jumper bago nasundan ng threepointer ni Juntilla para muling mahila ang bentahe sa 88-76 may 2:07 ang nalalabi sa laro.
Hataw din si Ferdinand Lusdoc sa ARQ sa natipang 16 puntos, pitong rebounds, at limang assists, habang kumana si Dawn Ochea ng 10 puntos, pitong rebounds, isang assist, isang steal, at isang blocked shot.
“Our guards did a good job running on the transition. We give a lot of credit to Jerick, (John) Abad, and Rendell (Senining),” sambit ni Abuyabor. “They were there to lead the boys to victory.”
Nanguna sa Dumaguete si Roy na may 30 puntos at walong rebounds, habang umiskor si Mark Doligon ng 18 puntos, anim na boards, tatlong assists, dalawang steals.

The post LAPU-LAPU NADALE ANG DUMAGUETE NEXT ANG MANDAUE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LAPU-LAPU NADALE ANG DUMAGUETE NEXT ANG MANDAUE LAPU-LAPU NADALE ANG DUMAGUETE NEXT ANG MANDAUE Reviewed by misfitgympal on Mayo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.