Facebook

Maikling kwento ng karanasan nina Mayor Arnan at Cong. Doy

PAGIGING taxi driver at service crew ng Jollibee ni Congressman Doy Leachon noon, ang nagbigay ng malaking inspirasyon sa mga iskolar ng City Government ng Calapan

Taas noong ibinahagi nina Calapan City Mayor Arnan Panaligan at Senior Deputy Speaker Cong. Doy Leachon sa harap ng daan-daang bilang ng mga iskolar ng pamahalaang lungsod ng Calapan.
Ang kanilang maikling kwento ng kanilang naranasan noong sila ay nag-aaral sa kolehiyo subalit hindi naging hadlang upang hindi sila makatapos ng kanilang pag-aaral.

Ayon kay Mayor Arnan, mapalad ngayon ang mga iskolar ng pamahalaang lungsod dahil libre silang nakakapag-aral.

Naging emosyonal naman si Cong Leachon ng ikinuwento niya ang kanyang karanasan noong nag aaral pa siya sa kolehiyo, maaga aniya siyang nakapag asawa noon kaya hinarap niya ang hamon ng buhay.

“Para may extra ako pangtustos sa aking asawa at sa aking pag -aaral, lakas loob akong nag taxi driver ng halos 2 taon, pumasok rin akong service crew sa Jollibee” – wika ni Cong Leachon.

Ayon kay Cong Doy lahat ng bagay ay kakayanin kapag may pangarap ka makatapos ka, kaya para sa inyong mga kabataan at iskolar ng bayan, galingan n’yo mag aral dahil may magandang bukas sa edukasyon.

Samantala ayon naman kay Mayor Panaligan, napakahalaga aniya sa kanya ang programang pang edukasyon para sa mga kabataang gustong mag-aaral hanggang kolehiyo dahil to umano ang dahilan noong 1995 nang maupo siya bilang punong bayan ng Calapan ay sinimulan niya kaagad ang scholarship program na nagsimula lamang sa 33 iskolar at noong naging lungsod na ang Calapan taong 1998 ay higit na dumami, libong bilang ng mga iskolar ang napatapos sa kolehiyo ng pamahalaang lungsod hanggang sa kasalukuyan.

Tinawag din ni Mayor Panaligan na “tulay tungo sa kinabukasan” ang programa ng city government upang maging sandigan ng mga iskolar sa lungsod tungo sa magandang kinabukasan,

***

Rest In Paradise HONRADO “DING” VEGA A.K.A. Tito Ding, You can now rest peacefully. As they say you have finished the race and you have fought a good fight. Thank you for the opportunity to have worked with you at DWOM 105.5 kHz FM and MIMAROPA PNP PRESS CORPS. Thanks for the many good memories. Till next time? Paalam!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, lunes miyerkules at biyernes 12:00noon-1:00pm sa DWXR 101.7 FM kalahi- Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!

The post Maikling kwento ng karanasan nina Mayor Arnan at Cong. Doy appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Maikling kwento ng karanasan nina Mayor Arnan at Cong. Doy Maikling kwento ng karanasan nina Mayor Arnan at Cong. Doy Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.