Facebook

Occidental Mindoro power outage, pinaaksyonan ni Bong Go sa DOE

PERSONAL na pinaaksyonan ni Senator Christopher “Bong” Go kay Energy Secretary Alfonso Cusi ang serye ng rotational power outage sa Occidental Mindoro dahil nahihirapan umano ang local electricity grid sa lalawigan sa mataas na energy demand lalo ngayong tag-init.

“Kakausapin ko agad si Secretary Cusi para alamin kung ano ang pwedeng gawin para malunasan ang problema. Nakakalungkot na nasa gitna tayo ng pandemya tapos nagkakaproblema pa tayo sa kuryente. Nung nalaman ko na nag-brownout sa inyo, tinawagan po namin agad ang Department of Energy,” sabi ni Go sa isang panayam ng radyo noong Sabado.

Nabatid na agad din namang kumilos ang energy department sa pakikipag-ugnayan sa National Electrification Administration para beripikahin ang impormasyon at inatasan ang ahensiya, gayundin ang Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO), Inc., na magsumite ng inisyal na report.

Kasalukuyan na ring nirerebyu ng DOE ang aktuwal na power demand at supply situation sa lalawigan.

Nanggagaling ang power supply ng Occidental Mindoro sa National Power Corporation – Small Power Utilities Group at sa Occidental Mindoro Consolidated Power Corp. (OMCPC) na may pinagsamang installed capacity na 24 megawatts (MW).

Para matiyak ang sapat na power supply, binigyan ng DOE ang OMECO ng gabay sa pagbili nito ng karagdgang 39 MW ng power. Pinag-aaralan din nito ang hiling ng electric cooperative na magkaroon ng Certificate of Exemption para sa emergency power supply agreement nito sa OMCPC na nakatakdang mapaso sa Hulyo.

Kaugnay nito, umapela ang senador sa power generation companies na makipagtulungan sa mga apektadong local government units at electric cooperatives para masolusyonan ang shortages.

“Hindi lang report ang kailangan natin. Kailangan i-address natin ang problema. Kaya naman nakiusap din kami sa power providers na magtulungan kasama ang LGUs at concerned cooperatives kasi ‘pag may power interruption, kawawa ang taumbayan,” ayon kay Go.

Hiniling ni Go sa concerned authorities na resolbahin ang anomang isyu at kagyat na gumawa ng remedyo para maiwasan ang negatibong epekto nito sa ekonomiya at health system.

“Napakahirap na nilalagay natin sa peligro ang mga kababayan natin, mahalaga ang stable electricity supply, lalo na ngayon dahan-dahan tayong nagbubukas ng ating ekonomiya at kailangan ng maayos na healthcare facilities, knowing na maraming hospital equipment ay tumatakbo gamit ang kuryente,” paliwanag ng mambabatas.

“Hirap na nga ang lahat dahil sa pandemya. Trabaho nating pagaangin ang hirap na dinadala ng mga kababayan natin diyan sa Occidental Mindoro. Patuloy akong magiging tulay ninyo kay Pangulong Duterte,” aniya pa. (PFT Team)

The post Occidental Mindoro power outage, pinaaksyonan ni Bong Go sa DOE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Occidental Mindoro power outage, pinaaksyonan ni Bong Go sa DOE Occidental Mindoro power outage, pinaaksyonan ni Bong Go sa DOE Reviewed by misfitgympal on Mayo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.