
ODIONGAN, ROMBLON — IKA-20 ng Oktubre, 2016 nang pumunta si Rodrigo Duterte sa Peking at sumumpa ng katapatan sa Tsina. Sa bulwagang pandangal ng gobyerno ng Tsina sa Peking, ipinahayag ni Duterte sa isang hapunan na ibinigay ni Xi Jin-ping sa kanyang karangalan na humihiwalay siya sa pagiging kaalyado ng Estados Unidos. Ani Duterte: “In this venue, I announce my separation from the United States. I’ve realigned myself in your ideological flow.” Ginamit niya ang paghalip na “ako” at hindi niya sinabi ang Filipinas ang humihiwalay.
Iniulat ng pandaigdigang media ang mga salitang namutawi sa labi ni Duterte, bagaman hindi masyadong pinansin. Abala noon ang Estados Unidos sa halalan pampanguluhan kung saan nagtagisan ng galing sina Donald Trump at Hillary Clinton. Sapagkat balikatan ang laban ng dalawang kandidato, hindi nabigyan ng karampatang atensyon ang pagbaligtad ni Duterte.
Kauupo lang ni Duterte bilang pangulo ng bansa. Sumumpa siya noong ika-30 ng Hunyo, 2016, isa at kalahating buwan pagkatapos ng makasaysayang halalan sa 2016. Tatlong buwan nang maupo, nandiyan na ang somersault ni Duterte.
Hindi masyadong pinag-usapan ang isyu ng pagbaligtad at pagkampi sa Tsina noong kampanya ng 2016. Maliban sa kanyang katawa-tawang salita na sasakay siya ng jetski at itatanim ang bandila ng Filipinas sa Scarborough Shoal na kinakamkam ng Tsina, halos walang narinig kay Duterte pagdating sa Tsina.
Mas katawa-tawa ang bugnuting presidente nang ipagmagaling niya na “biro” ang kanyang mga salita noong panahon ng kampanya.Tinawag niyang “istupido” ang mga kapanalig na naniwala sa kanya. Hindi pa tapos iyan; inamin niya sa isang pahayag na hindi siya marunong lumangoy kaya imposible na sumakay siya ng jetski upang itirik ang bandila ng Filipinas sa Scarborough Shoal na pinag-aagawan ng Filipinas at China. Wala rin daw istasyon ng gasolina na mapagkargahan sa laot sakaling maubusan.
“Naduterte” ni Duterte ang sambayanang Filipino – hindi ang Intsik; sa bagong dictionary, ang “naduterte” ay “naloko,” naisahan” o ‘nagantso.” “Colangot” ang tawag sa Romblon sa mga lalaking hindi natutong lumangoy. Walang katwiran na hindi matutong lumangoy ang isang Romblonon sapagkat napapalibutan ng dagat ang lalawigan.
Noong ika-17 ng Mayo ng taong ito, ipinaalaala ni Duterte ang pahayag sa Peking noong 2016 kung saan ipinagdiinan niya ang pagpapalit ng direksyon ng patakarang panlabas (foreign policy) ng Filipinas mula sa pagiging makiling sa Kanluran sa pagiging “neutral.” Hindi namin naintindihan ang “neutral” na ang ibig sabihin ay “walang kinikilingan.”
Hindi “neutral” ang pagiging makiling ni Duterte sa China. Kataksilan iyan sapagkat ipinamigay niya sa China ang bahagi ng teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea. Hindi ipinaglaban ni Duterte ang interes ng Filipinas nang saklawin ng China ang ating exclusive economic zone (EEZ) at nakawin ang ating likas-yaman.
May mga netizen ang nagsabi na hindi si Duterte ang umaaayon sa Tsina. Ang umaayon sa daloy ng kaisipan ng Tsina ay si Duterte lang at hindi ang Filipinas. Hindi dinadala ng Filipinas ang pagbaligtad ni Duterte. Siya ang bumabaligtad, sa maikling usapan. Hindi isinailalim sa debate ang usapin ng pagbaligtad. Basta ginulat ni Duterte ang bansa sa kanyang iresponsableng pahayag. Hayaan si Duterte ang magdala ng bigat sa ganyang pahayag.
***
KAAWA-AWA si Bong Go sa pagharap sa plenaryo ng Senado noong Miyerkoles. Pinipilit ang mga kasamahan na ipasa ang panukalang batas upang mabalik sa gobyerno ang ilang ospital at tugunan ang paggamot sa mga nagkakasakit dahil sa pandemya. Nang bukuhin siya ni Frank Drilon, mistulang basang sisiw si Bong Go. Hindi hinarang ni Drilon ang kanyang panukalang batas. Inupuan ito ng komite ng kalusugan na kanyang pinamumunuan.
Bistado ang katamaran at kawalan ng kakayahan ni Bong Go. Palaging nakabuntot kay Duterte kaya nawalan siya ng panahon upang gawin ang kanyang tungkulin bilang mambabatas sa Senado. May masakit na salita si Teddy Casino ng Bayan Muna: “Because the chair of the Senate Committee on Health, Sen. Bong Go, was too busy being Duterte’s photographer and special assistant that his committee was unable to act on his own bill.” Huwag na pahabain ang usapin. Hindi kaya ni Bong Go ang trabaho ng senador.
***
PINAKAWALANG kuwentang tagapagsalita ng kahit sinong pangulo ng bansa si Herminio Roque (ito ang kanyang tunay na pangalan). Nabuhay siya sa fake news, intriga, at tsismis na pawang lihis sa katotohanan. Kapag nagsalita, iisa ang tanong ng marami: totoo ba ng kanyang sinasabi? Mahilig sa intriga sa Herminio kaya madalas naitanong kung anong klaseng nilikha at lahi. Sa amin, alanganin si Herminio. Kumbinsido kami na binabae ang kanyang disposisyon.
Katulad ng panayam ni Ely Saludar ng dzXL kay Bise Presidente Leni Robredo sa lingguhang programa ng huli sa radio. Tinanong ang Bise President kung nakahanda siyang sumama sa infomercial ni Duterte upang kumbinsihin ang taongbayan na magpabakuna. Pumayag ang Bise Presidente sapagkat batid niya na may pangangailangan. Walang maraming sinabi ang Pangalawang Pangulo sa isyu. Basta payag siya.
Pasok si Herminio at nilagyan ng hindi kailangan na malisya at intriga ang sagot ng Bise Preisdente. Gusto umano ni Leni makasama si Duterte sa isang infomercial na kahit sa huli ang sumpunging lider na tila nababaliw ang magdesisyon. Alam ng lahat iyan; hindi kailangan ng overplay. Kung sabihin kaya kay Herminio na payag si Leni basta walang dakmaan habang ginagawa ang infomercial or kaya dapat ay ipatupad ang social distancing sa kanilang dalawa. Ano ang kanyang sasabihin?Kaya kumbinsido kami na alanganin si Herminio.
***
BAKUNA pa rin ang pinakamabisang solusyon sa pandemya. Bakuna ang gamit upang masugpo ang 14 na mga malalang sakit sa buong mundo: polio, tetanus, tigdas (measles), trangkaso (influenza), hepatitis A, hepatitis B, rubella, hib (small pox), whooping cough, pneumococcal disease, rotavirus, beke (mumps), bulutong tubig (chicken pox) at diptheria. Maaaring isama sa listahan ang Covid-19 o novel coronavirus.
Kailangan ang tuloy-tuloy na pag-angkat ng mga bakuna mula sa ibang bansa, ngunit mukhang hindi ito kaya ng gobyerno ni Duterte. Hindi kaya ng gobyerno ang mabilisan na pagdadala ng bakuna sa iba’t ibang panig ng bansa. Mas problema na mapanis ang mga bakuna. Hindi naman alam kung pinaghahandaan ni Duterte ang ganitong problema.
***
MGA PILING SALITA: “Obviously, the Chinese commentator does not know his history. When China was being torn asunder by Western powers in that defining “century of national humiliation” (1849-1949), Australia was already there participating in major wars. Its soldiers comprised the Allied Forces in Gallipolli Campaign in First World War. Its forces were also around in Second World War. China does not know modern war either. Except for border wars with its neighbors, India, Vietnam and Russia, it has not participated in any modern war. Its participation in Korean War is being laughed at. Military doctrine of human wave attack in Korean War is outmoded, antiquated, and passe. It’s doubtful if China knows modern military doctrines.” – Joey Mendoza, netizen
***
Email:bootsfra@yahoo.com
The post Panata ng taksil appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: