Facebook

Unified pandemic surveillance system, itinulak ni Bong Go tungo sa ‘new normal’

IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go sa concerned authorities, partikular sa National Task Force Against COVID-19 sa pakikipag-ugnayan ng Department of Information and Communication Technology, na makipagtulungan sa private sector upang mapalakas ang pagsisikap na mai-adapt ang new normal sa harap ng patuloy na COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Go na maraming pribadong sektor na gumagamit na ng mga bagong teknolohiya para patuloy na makapag-operate sa maayos at ligtas na paraan.

Kaya naman dapat na makipag-collaborate ang pamahalaan at kunin ang expertise ng private sector upang ang paghahatid ng serbisyo sa publiko at ang pandemic response efforts ay mapabilis at maging episyente.

“Maging bukas ang ating isipan sa mga suhestyon galing sa pribadong sektor. Ang laban kontra COVID-19 ay hindi lang laban ng gobyerno kundi laban ng buong sambayanan — ng buong mundo. Pakinggan natin ang mga gusto tumulong,” ani Go.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health at pangunahing may akda ng E-Governance Act of 2020 na nakabimbin pa sa Senado, sinabi ni Go na ang pagkuha ng mobile application developers sa private sector ay magsisilbing malaking tulong sa pagsisikap na ang health at safety protocols ay maging kombinyente sa pagpoprotekta sa mga tao laban sa COVID-19.

“Hindi pa natin alam kailan tayo makakabalik sa normal na pamumuhay. Habang ginagawa natin ang lahat upang mapabilis ang bakuna at rumesponde sa mga epekto ng krisis, gawin na rin nating mas madali para sa taumbayan na sundin ang health protocols na iniimplementa ngayon,” ani Go.

Inihalimbawa ni Go ang pangangailangan na magkaroon ng unified system ng case surveillance, lalo sa mga establisimiyento kung saan ang mga customer ay nire-require na mag- fill up sa isang form para matulungan ang mga awtoridad sa pag-monitor ng mga kaso o contact tracing.

“Halos lahat ng establishments may sariling requirement. Pasok ka sa isang building, fill up ka ng form. Pasok ka sa restaurant o store, fill up ka ulit ng form. Paglipat mo sa ibang lugar, may panibagong form ka na namang kailangan sagutin. Ayusin natin ang sistema dahil patuloy ang buhay ng mga tao habang iniiwasan natin ang pagkalat ng sakit,” paliwanag ng senador.

“Nagiging basic requirement na rin ang RT-PCR o kahit antigen testing sa ating pang-araw araw na gawain. Madalas kailangan natin maipakita na ‘negative’ tayo para makapasok sa trabaho. Dapat may sistema na para ma-streamline ang pag-document ng testing results at maiwasan rin ‘yung mga namemeke ng dokumento,” ang suhestyon ng mambabatas.

“Ngayon rin habang marami na ang nababakunahan, ang pruweba na hawak ay simpleng papel lamang. Iba-iba pa ang format ng vaccine passes. Pwede naman natin i-automate ‘yan para malaman natin sino ang talagang nabakunahan na,” ayon kay Go. (PFT Team)

The post Unified pandemic surveillance system, itinulak ni Bong Go tungo sa ‘new normal’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Unified pandemic surveillance system, itinulak ni Bong Go tungo sa ‘new normal’ Unified pandemic surveillance system, itinulak ni Bong Go tungo sa ‘new normal’ Reviewed by misfitgympal on Mayo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.