Facebook

Priority list sa pagbabakuna, sundin – Sen. Go

“DAPAT sundin ang priority list ng vaccination rollout”.

Ito ang tugon ni Senador Christopher “Bong” Go kaugnay sa panawagan na bakunahan na rin ang mga estudyante sa kolehiyo.

Nilinaw ni Go na gusto niya at ng pamahalaan na mabakunahan ang lahat ng Pilipino pero dapat sundin ang priority list dahil kasama ito sa kasunduan sa COVAX facility ng World Health Organization.

Ayon kay Go, dapat munang sumunod ang bansa sa regulasyon ng COVAX para hindi magkaproblema ang bansa sa supply ng bakuna.

Sinabi ni Go na gusto rin niyang unti-unting makabalik sa face to face classes ang mga estudyante pero dapat masiguro muna na ligtas ang mga gusto at mga mag-aaral.

Dagdag ni Go, kung siya ang masusunod at sobra na ang supply ng bakuna, ipag-uutos niya ang pagbabakuna sa lahat ng sektor. (Mylene Alfonso)

The post Priority list sa pagbabakuna, sundin – Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Priority list sa pagbabakuna, sundin – Sen. Go Priority list sa pagbabakuna, sundin – Sen. Go Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.