Facebook

Pulis patay sa police ops sa Albay

TODAS ang isang aktibong pulis nang manlaban sa mga kabaro dahil sa pagbenta ng iligal na baril, habang sugatan ang isa pang pulis na nag-operate nang barilin ito ng una sa Purok 4, Barangay Bañag, Daraga Albay.
Kinilala ang nasawi na si Corporal Joel Tualla ng Purok 7, Barangay Busak, Libmanan, Camarines Sur na naka-assign sa Polangi Municipal Police Station.
Ang nasugatan namang pulis ay si Lt. Nestor Callos Jr, miyembro ng RSOU ng PNP.
Ayon kay Lt. Colonek Ronnie Fabia, ang Chief of Police ng Daraga MPS, nagkasa ng operasyon ang kanyang mga tauhan laban sa pagbebenta ng baril ni Corporal Tualla sa halagang P44K. Nakatunog ang target na kapwa niya pulis ang katransaksyon kaya nagkaputukan. Nasawi si Tulla at nasugatan si Callos.
Nakuha kay Tualla ang 9mm KG9 sub-machine gun, 45 caliber pistol at mga bala ng mga nasabing baril.
Napag-alaman na may mga kasong kinakaharap si Tualla atsangkot din ito sa iligal na droga.

The post Pulis patay sa police ops sa Albay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis patay sa police ops sa Albay Pulis patay sa police ops sa Albay Reviewed by misfitgympal on Mayo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.