Facebook

SAP TROOPER PATAY, 2 GRABE SA OPERASYON SA LANAO

NASAWI ang isang miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) at dalawa ang sugatan sa law enforcement operation laban sa isang most wanted person sa Lanao del Norte, Sabado ng umaga.
Sa report ng PNP-SAF, nagsagawa ng joint operation ang 12 Special Action Company (12SAC) bilang main tactical support elements kasama ang ilang PNP units para isilbi ang warrant of arrest laban sa isang Naen Ampatuan Tumog sa Barangay Rebucon, Nunungan, Lanao del Norte.
Si Tumog ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013.”
Pero bago pa man maka-lapit ang mga pulis, pina-ula-nan na sila ng putok ni Tumog, dahilan para gumanti ang mga ito.
Umigting ang ilang minutong putukan na ikinasawi ni Pat.Jan Oliver Rodriguez at nasugatan sina Police Cpl. Michael Aidan Troy Abella at Patrolman Cris Daryl Dolo.

The post SAP TROOPER PATAY, 2 GRABE SA OPERASYON SA LANAO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SAP TROOPER PATAY, 2 GRABE SA OPERASYON SA LANAO SAP TROOPER PATAY, 2 GRABE SA OPERASYON SA LANAO Reviewed by misfitgympal on Mayo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.