Facebook

Sen. Go inlunsad ang ika-110 Malasakit Center sa North Cotabato

PINANGUNAHAN ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang paglulunsad ng ika-110 na Malasakit Center na isinagawa sa North Cotabato.

Sinabi ni Go na masaya siya na umabot na sa 110 ang Malasakit Center sa iba’t ibang lugar sa buong bansa para mapagsilbihan ang mga mahihirap at indigent na walang pampagamot.

Pinasalamatan din ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanya ay natuto siya lalong magmalasakit sa kapwa at magserbisyo.

Ayon kay Go, nabuo ang konsepto ng Malasakit Center noong alkalde pa lamang ng Davao si Pangulong Duterte kung saan ay ayaw niyang hindi natutulungan ang mga mahihirap at humihingi ng tulong.

Muli rin hinimok ni Go ang publiko na huwag magdalawang isip na lumapit sa mga Malasakit Center upang maiwasan na rin ang paglabas-labas pa patungo sa mga tanggapan ng gobyerno para humingi ng assistance.

Layon aniya ng Malasakit Center na hindi na pumila pa nang matagal ang mga pasyenteng gustong humingi ng assistance kung saan target nito ang zero-balance sa mga bayarin sa ospital. (Mylene Alfonso)

The post Sen. Go inlunsad ang ika-110 Malasakit Center sa North Cotabato appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Go inlunsad ang ika-110 Malasakit Center sa North Cotabato Sen. Go inlunsad ang ika-110 Malasakit Center sa North Cotabato Reviewed by misfitgympal on Mayo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.