Facebook

Talamak ang betahan ng shabu sa Brgy 45 at 47 sa Tondo, Manila

Magandang araw po. Report ko po para sa kaalaman ng mga awtoridad lalo sa pulisya ng MPD Station 2 ang grabe nang bentahan ng shabu dito sa magkadikit na barangay ng 45 at 47. Harap-harapan po ang abutan ng shabu rito, nakikita ng mga bata. Grabe ang mga tulak dito, walang takot sa barangay. Sana magmanman naman dito ang mga pulis ng Dos at mahuli ang mga tulak dito. – Concerned citizen

Bgy official sa Maynila na
sahod lang ang hinihintay
Sa mga kinauukulan: Dito po sa Brgy. 413, District 4 zone 42, ay may KAGAWAD na ‘di nagseserbisyo pero sumasahod. Panay lang po lakwatsa ito at namemerwisyo pa sa kanyang mga kapitbahay. Kaya MBB at DILG paki imbistigahan naman po ang kagawad na ito. – Concerned resident ng Brgy 413, Manila

May membership fee ang seniors
sa Paranaque City?
SENIOR CITIZEN PO AKO SA PARANAQUE. KAILANGAN PA MAGBAYAD ANG KAGAYA KO NG P120 PARA SA YEARLY AS MEMBERSHIP DAW. HINDI AKO NAGBAYAD, WALA NGA AKO WORK. SAAN AKO KUKUHA PAMBAYAD? AYUN,WALA AKO NATANGGAP NA AYUDA, NI BAKUNA NGANGA. TAMA BA YUN? – SR CITIZEN (09205510836)

The post Talamak ang betahan ng shabu sa Brgy 45 at 47 sa Tondo, Manila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Talamak ang betahan ng shabu sa Brgy 45 at 47 sa Tondo, Manila Talamak ang betahan ng shabu sa Brgy 45 at 47 sa Tondo, Manila Reviewed by misfitgympal on Mayo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.