Facebook

Sen. Go, kumpiyansang makakamit ng Pilipinas ang herd immunity

“THERE is light at the end of the tunnel.”

Ito ang kumpiyansang ipinahayag ni Senador Christopher “Bong” Go, kasunod na rin ng pagsusumikap ng pamahalaan na makapagbakuna ng may 50 milyong katao hanggang sa Setyembre at maabot ang 70 milyong target sa pagtatapos ng taong 2021 upang makamit ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19.

“Bilisan natin ang ating vaccine rollout at ni isang dose ay hindi dapat masayang dahil talagang agawan ang supply ng bakuna. Paigtingin at pabilisin natin lalo ang pagbabakuna para ma-attain natin ‘yung herd immunity sa community bago matapos ang taon,” ayon kay Go.

Sa isang panayam sa radyo nitong Sabado, sinabi ni Go na mahalagang mapanatili ang disiplina at ipagpatuloy ang pagtalima sa health at safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng pandemya, habang ipinagpapatuloy ng pamahalaan ang vaccination campaign.

“Nakikita ko sa ibang bansa, gaya ng Israel at New Zealand, ay unti-unti nagiging zero cases na sila. Sa Israel, 81% na ang nababakunahan at nagtatanggal na sila ng mask. Ibig sabihin there is hope, there is light at the end of the tunnel,” ani Go, chair ng Senate Committee on Health.

Babala pa ni Go, “Pero kung hindi tayo madidisiplina, maaaring tataas muli ang kaso. Look at what happened in India. Kahit nagbabakuna sila at manufacturer pa sila ng mga bakuna… tumaas pa rin ang kaso nila. Ibig sabihin, kailangan habang hindi pa natin na-attain ang herd immunity, ay huwag tayo magkumpyansa.”

Kaugnay nito, umapela rin si Go sa pamahalaan na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang matiyak ang ligtas, episyente, at maayos na distribusyon at administrasyon ng bakuna para masigurong ang lahat ng mga mamamayan ay mapuproteksiyunan laban sa COVID-19.

“Dapat kahit saang sulok ng Pilipinas ay makakatanggap ng bakuna. Huwag po kayo mag-alala dahil parating na rin ang dagdag na doses. Sisiguraduhin nating walang maiiwan tungo sa ating muling pagbangon,” aniya pa.

Siniguro rin niya na regular siyang nakikipag-ugnayan kina National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III, na patuloy na nagsusumikap upang makakuha ng mas marami pang doses ng bakuna at mapabilis pa ang deployment ng mga ito. (Mylene Alfonso)

The post Sen. Go, kumpiyansang makakamit ng Pilipinas ang herd immunity appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Go, kumpiyansang makakamit ng Pilipinas ang herd immunity Sen. Go, kumpiyansang makakamit ng Pilipinas ang herd immunity Reviewed by misfitgympal on Mayo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.