Facebook

Sen. Risa Hontiveros, mainit sa DITO Telco pero mabait sa Globe at Smart?

MAS mura at mas mabilis na internet.

Ito ang matagal nang hiling ng mga Pilipino.

Noong 2017, pinirmahan si Pangulong Rodrigo Duterte ang batas ukol sa “Free Internet Access Program” na nag-uutos na gawing libre ang WiFi sa mga pampublikong lugar.

Paano naman kasi, ang internet daw sa Pilipinas ang isa sa pinakamabagal sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Region.

Kung susuriin nga raw, mas mabilis pa ang internet sa Cambodia, Laos, at Myanmar.

Batay sa Speedtest Global Index noong Mayo 2019, pang-107 ang bansa sa mundo pagdating sa bilis ng mobile internet at fixed broadband.

Kaya sa pasukan noong nakaraang taon, usad-pagong na internet signal ang bumungad sa mga guro at estudyante.

Ngayon, nasa ika-apat na yugto na sila ng 2020-2021 school year at patuloy na gumagamit ng online platforms para maitawid ang pag-aaral.

Nasa new normal na nga tayo kaya mahalagang paigtingin pa ng mga telecommunications company o telcos ang kanilang serbisyo.

Umarangkada na rin ang operasyon ng Dito Telecommunity at patuloy na lumalakas ang kanilang signal sa Metro Manila at iba pang mga lungsod sa bansa.

Ngunit dahil wala namang perpekto, may mangilan-ngilan na nagrereklamo.

Sinita tuloy ni Sen. Risa Hontiveros ang Department of Information and Technology (DICT) at sinabihang ipaayos sa Dito ang kanilang serbisyo bunga raw ng mga reklamo sa kanilang pangit na serbisyo.

Para sa senadora, dapat agad na ipawalang-bisa raw ng DICT ang P25.7-billion performance bond ng Dito.

Bunsod ng mga sinasabi ni Hontiveros at ilang subscribers, sinubukan kong bumili ng SIM card ng Dito na nagkakahalaga ng P199 sa Shopee.

Medyo mahirap i-set up ang unit noong una. Pero ilang minuto lang ay naranasan ko na agad ang maayos nilang serbisyo at talagang legit ang libreng 25GB high-speed data, unlimited Dito-to-Dito calls, at unlimited texts with 300 minutes free calls sa ibang mobile networks na consumable sa loob ng isang buwan .

Kung hindi nga ako nagkakamali, ramdam na sa 100 cities at mga bayan sa bansa ang Dito signal.

Kung maaalala, ‘no’ ang naging boto ni Hontiveros nang isalang sa Senado ang renewal ng franchise application ng Dito.

Well, hindi nakapagtataka kung bakit pinag-iinitan daw ng senadora ang nasabing telco.

Aba’y noong araw pa ang reklamo ng publiko laban sa Globe, Smart at iba pa pero tila tinutulugan lang daw ito ni Hontiveros at iba pang mga kaalyadong mambabatas.

Tanong tuloy ng ilang kritiko: Ano kaya ang dahilan kung bakit tila napakabait nitong si Hontiveros sa ibang telcos na bulok ang serbisyo habang galit naman sa Dito?

***

PARA naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

The post Sen. Risa Hontiveros, mainit sa DITO Telco pero mabait sa Globe at Smart? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Risa Hontiveros, mainit sa DITO Telco pero mabait sa Globe at Smart? Sen. Risa Hontiveros, mainit sa DITO Telco pero mabait sa Globe at Smart? Reviewed by misfitgympal on Mayo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.