KAMAKAILAN, ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Lorenzo Eleazar sa mga opisyal ng pambansang pulisya na paigtingin ang operasyon laban sa tupada.
Ang tupada ay ang iligal na pagpapasabong ng mga manok.
Matagal nang umiiral ang tupada sa maraming panig ng bansa.
Nangangahulugan lamang na matagal nang mayroong iligal sa pagsasabong ng mga manok.
Mayroon din namang ligal na sabong, ngunit hindi tupada ang tawag dito, kundi “derby”.
Ingles sng neym!
Pokaragat na ‘yan!
Alinman sa dalawa, parehong may sugal dahil parehong may tumataya.
Samakatuwid, parehong labag sa batas.
Ang utos ni Eleazar laban sa tupada ay resulta ng pagkamatay ng isang binatilyo sa operasyon ng pulisya laban sa tupada sa Lungsod ng Valenzuela ilang araw na ang nakalipas at ng may nasakoteng isang punong barangay sa Laguna nang magkaroon ng operasyon ang pulisya.
Pabor ako sa utos ni Eleazar laban sa tupada.
Umaasa akong ang mga pulis na nakasasakop sa mga barangay na regular na nagaganap ang tupada ay sundin at ipatupad nila ang ipinag-utos ng pinuno ng PNP.
Hindi iyong tinitimrehan nila ang ‘bantay’ sa tupada bago ikasa ang operasyon.
Pokaragat na ‘yan!
At sana po, walang mamatay na mga sabungero at manonood sa tupada kapag dumating na ang mga pulis.
Nabanggit ko ito dahil kaawa-awa naman ‘yung namatay sa Valenzuela.
Kung anak ninyo ang nasabing “special child” ay pihadong magagalit kayo sa mga pulis.
Ang mg lugar na madalas kong mabalitaang mayroong tupada ay sa Tondo at Baseco na parehong parte ng Maynila.
Mayroon din sa Barangay Maricaban at Libertad na parehong bahagi ng Pasay.
Sa Lungsod ng Taguig naman ay regular sa Barangay Hagonoy at Barangay New Lower Bicutan.
Ang kaakibat na masamang nagyayari sa tupada ay iyong mga opisyal ng PNP ang mismong sumasali sa iligal na sabong.
Pokaragat na ‘yan!
Sana, ipag-utos din ni General Eleazar na tanggalin sa PNP ang mga sabungerong pulis.
Malaking problema ang mga ito sa ating lipunan, tapos salot pa sa PNP.
The post Tanggalin sa PNP ang mga sabungerong pulis appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: