DUMADAING at tila pinepersonal daw ng MUNISIPALIDAD NG MONTALBAN ang COMMON TRANSPORT SERVICE COOPERATIVE (CTSC) dahil pinatitigil ang mga itong mamasada gayong mayroon na silang aplikasyon sa LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD (LTFRB).
Bukod dito, ngayong panahon ng pandemya ay labis na paghihirap ang dinadanas ng mga driver na dapat ay sinusuportahan at hinde marapat na gipitin ng PAMAHALAANG BAYAN NG MONTALBAN sa LALAWIGAN NG RIZAL
Sa sintemyento ni CTSC GENERAL MANAGER Ms. DHELTA BERNARDO ay pinaghuhuli raw ng MONTALBAN TRAFFIC MANAGEMENT AND DEVELOPMENT OFFICE (MTMDO) ang mga kasapi ng kanilang kooperatiba na namamasada. Kinukumpiska ang mga driver license at ang iba ay iniimpound pa ang sasakyang kanilang ipinamamasada.
Hinde umano kinikilala ng MUNISIPALIDAD NG MONTALBAN ang CTSC dahil kolorum daw kaya hinuhuli ang kanilang grupong namamasada.
Inihayag ni Ms. BERNARDO na pinapalabas daw ni MTMDO CHIEF CHARLIE BOY LABEZ na EXPIRED ang prangkisa gayong nakapagsumite na umano sila ng PROVISIONAL AUTHORITY.
Gayunman, ang mga dokumentong isinumite ng CTSC ay hinde kinilala ni LABEZ dahil ang nasabing dokumento ay ang receive application for extension of validity mula sa LTFRB. Ang kailangan daw ni LABEZ ay ang mismong desisyon ng LTFRB.., kaya kinakailangan daw na huwag mamasada muna ang grupo ng CTSC.
Ipinunto naman ni BERNARDO na kapag nakapag-file na ng application for extension of validity sa LTFRB ay “good as approve”.., kaya hinde umano sila dapat pagbawalang mamasada.
Aniya, pinepersonal na raw sila ng lokal na pamahalaan ng MONTALBAN, RIZAL dahil sa lupang kanilang binayaran sa tunay na nagmamay-ari para magsilbing terminal o garahean ng CTSC.
Bunsod nito ay nananawagan ngayon ang CTSC sa pangasiwaan ng LTFRB at ng DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTr) na mapag-ukulan at masiyasat ang kanilang kinakaharap na problema sa MONTALBAN TOWN dahil ang tanggapan daw ni LABEZ ay tila hinde sumusuporta sa PUV MODERNIZATION PROGRAM na isa sa pangunahing proyekto ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE.
PAGING MR. LABEZ.., ano nga ba ang puno’t dulo nito na pinagpoproblema ng CTSC. Ang ARYA ay nakalaang mag-antabay para sa iyong panig at sa posibilidad na masolusyunan ang grupo ng mga namamasada para naman magkaroon ng pangkabuhayan ang pamilya ng mga driver.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Transport cooperative ginigipit ng Montalban? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: