NASAWI ang isang guro nang tuklawin ng Philippine Cobra sa loob mismo ng silid aralan sa Barangay Bacong, San Luis, Aurora Province.
Kinilala ang biktima na si Rizza Laureano, 49 anyos, guro ng Bacong Elementary School at residente ng Bgy. San Jose sa naturang bayan.
Ayon sa kapatid nitong si Eya Bitong, natuklaw ng cobra ang kaliwang kamay ng kanyang kapatid nang hawiin nito ang kurtina nang lumabas sa palikuran ng silid-aralan.
Sinabi naman ni Bacong SK chairperson Jomar Sucgang na humingi ng tulong si Ma’am Rizza sa mga kasamang guro at ilang residente sa lugar at agad itong dinala sa ospital.
Napag-alaman na nagtatago sa cabinet ang ahas na nasa gilid ng palikuran.
Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay makalipas ang tatlong oras.
Napag-alaman na walang anti-venom ang pinagdalhang ospital sa biktima kaya hindi agad ito naagapan.
Labis ang ikinadismaya ng pamilya ng biktima dahil sa kawalan ng anti-venom ng mga ospital sa kanilang lugar.
Kuwento ni Sucgang, kalmado pang ibinalita ni Ma’am Rizza sa mga kasama nitong natuklaw siya ng ahas.
Dagdag pa nito na bago ang insidente ay tatlong beses nang pinagpakitaan ng ahas ang guro, na mistulang signos sa mangyayari sa kanya.
The post Titser patay sa tuklaw ng ahas appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: