Facebook

ABOGADO NG OMB TIMBOG SA KOTONG

DINAKIP sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation ang isang abogado dahil sa pangingikil sa Naga City, Camarines Sur, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang inaresto na si Atty. Ferdino Condez, nagpakilalang empleyado ng Optical Media Board (OMB) sa isang tindahan ng cellphone sa siyudad at kinikikilan ng halos kalahating milyong piso.

Ayon sa report ng NBI Naga, June 8, 2021 nang magtungo sa kanilang tanggapan ang isang negosyante upang ireklamo si Atty. Condez.

Ayon sa negosyante, may ilang miyembro ng OMB ang nagtungo sa kanilang tindahan ng cellphone at kinumpiska ang memory cards at cellphones na naka-display.

Nakiusap ang may-ari ng tindahan kay Atty. Condez na huwag ipasara ang kanilang tindahan, subali’t sinabi ng abogado na magbigay nalang ng P500,000 ang may-ari upang hindi na maipasara.

Nitong Miyerkules ay nagkasundo ang negosyante at si Atty. Condez sa halagang P350,000 upang hindi na maipasara ang tindahan.

Hindi alam si Condez na nakipag-ugnayan na sa NBI ang negosyante. Isinagawa ang entrapment sa restaurant ng isang hotel sa Naga City. Matapos mag-abutan ng pera, inaresto ng NBI ang abogado.

Nitong Huwebes, nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings si Condez. Nahaharap ito sa mga kasong Robbery/Extortion at Graft and Corrupt.

The post ABOGADO NG OMB TIMBOG SA KOTONG appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ABOGADO NG OMB TIMBOG SA KOTONG ABOGADO NG OMB TIMBOG SA KOTONG Reviewed by misfitgympal on Hunyo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.