Facebook

DAR at DA kinalampag sa ‘di pagpapatupad ng repormang agraryo

NAGKILOS protesta ang grupo ng mga magsasaka sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Agriculture para tuligsain ang umano’y kabiguan tuparin ang pagpapatupad ng genuine agrarian reform at government support sa mga magsasaka.

Ayon sa grupo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Anakpawis at land reform advocates sa kanilang isinagawang kilos protesta kahapon ng umaga sa tanggapan ng DAR at Department of Agriculture upang ipabatid ang kahirapang nararanasan ng mga magsasaka sa kasalukuyang administrasyon.

Sinabi sa press statement ng KMP ang DAR sa ilalim ni Secretary John Castriciones ay pinayagan umano ang paggamit ng land-use conversion at cancellation ng CLOAs at Emancipation Patents.

Idinagdag pa ng KMP na nabigo rin umano ang DAR sa target nito para sa land dispute resolutions.

Samantala sinabi rin sa statement ng KMP na ang programa na DAR-to-Door ay ipinalalagay umanong counterinsurgency program upang mawala ang mga magsasaka na nakikipaglaban para sa libreng pamamahagi ng lupa at para sa tunay na repormang agraryo.

Kaugnay nito ayon sa KMP aabot sa P409-Bilyon ang nailaan para sa programa ng CARP at karamihan umano sa mga ito ay nagamit umano para sa landlord compensation.

Samantala sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng Department of Agrarian Reform (DAR) subalit hindi sumasagot sa text message ang mga opisyal ng DAR at hindi rin makontak sa cellphone ang opisyal nito, habang ang ibang opisyal nito ay tumanggi rin magbigay ng pahayag hinggil sa pahayag ng KMP.

Idinagdag pa ng grupo ng magsasaka na sa 33-taong sa ilalim ng CARP aabot lamang sa 41% ng pribadong agricultural lands ang nasakop ng pagkuha at pamamahagi ng lupang agraryo. (Boy Celario)

The post DAR at DA kinalampag sa ‘di pagpapatupad ng repormang agraryo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DAR at DA kinalampag sa ‘di pagpapatupad ng repormang agraryo DAR at DA kinalampag sa ‘di pagpapatupad ng repormang agraryo Reviewed by misfitgympal on Hunyo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.