Facebook

Covid update: 7,485 bagong kaso; 4,504 gumaling; 122 nasawi

MULING tumaas ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,485 nitong Huwebes, Hunyo 10.

Samantala ay mayroon namang naitalang 4,504 na gumaling at 122 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (56,921) ang aktibong kaso, 93.9% (1,214,454) na ang gumaling, at 1.72% (22,312) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 8, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.52% sa lahat ng samples na naitest at 0.43% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 7,485 bagong kaso; 4,504 gumaling; 122 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 7,485 bagong kaso; 4,504 gumaling; 122 nasawi Covid update: 7,485 bagong kaso; 4,504 gumaling; 122 nasawi Reviewed by misfitgympal on Hunyo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.