Facebook

Mass vaccination sa Pasay at Makati

UMARANGKADA na ang pagbabakuna sa mga indibidwal na kabilang sa A4 category sa priority list ng Department of Health (DOH) sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa Makati City, binuksan ang bagong vaccination site sa Glorietta 5 mall.

Isa pang dedicated vaccination site ang inilunsad naman sa San Lorenzo Place mall.

Sabi ni Mayor Abby Binay, nakipagkasundo ang lungsod sa pribadong sektor upang mapabilis ang pagbabakuna ng nasabing grupo.

Kaliwa’t kanang papuri nga ang inaani ng Ayala Corporation at Megaworld Corporation sa kahandaan nilang makipagtulungan sa pamahalaang lokal sa pag-arangkada ng kritikal na bahagi ng malawakang pagbabakuna.

Aba’y mahalaga nga naman ang mabilis at ligtas na vaccination, lalo na sa hanay ng mga manggagawa sa pribadong sektor na itinuturing na ‘economic frontliners’.

Nakasalalay sa mga obrero ang muling pagsigla ng mga negosyo at tuloy-tuloy na pagbangon ng ekonomiya.

Kung hindi ako nagkakamali, inilunsad din ang makatibusiness.safemakati.com kung saan maaaring i-rehistro ng mga kompanya at establisimiyento ang kanilang mga empleyado sa ilalim ng A4 category.

Sinasabing wala ring tigil ang pagbabakuna sa mga kabilang sa A1 hanggang A3 sa priority list ng DOH.

Ginagawa ito sa sa Makati Coliseum, Vax OTG sa Circuit Makati grounds, at sa iba pang vaccination sites sa lungsod.

Bukod sa Makati, maganda rin ang tinatahak ng vaccination program ng Pasay City LGU sa pangunguna nina Mayor Emi Calixto-Rubiano, Cong. Toni Calixto at Vice-mayor Noel Boyet del Rosario.

Suportado naman ni City University of Pasay (CUP) President Dr. Rosaniee Estuche ang adbokasiya ng Pasay government laban sa COVID-19.

Katunayan, idineploy ng liderato ni Estuche ang mga masisipag na medical workers at volunteers tulad nina Dean Iris Castillon, RN at Dr. Bobbit Ty ng College of Nursing & Midwifery habang nakiisa rin sa deployment si Prof. Jon-Jon Solangon, at marami pang iba.

Kaya kung kabilang ka sa mga prayoridad na grupo na babakunahan kontra COVID-19, aba’y huwag sayangin ang pagkakataong makakuha ng vaccine.

Tuloy-tuloy din ang pamamahagi ng AstraZeneca at iba pang anti-coronavirus vaccines ng ilang LGUs.

Huwag magpapaniwala sa mga kumakalat na fake news sa social media.

Tandaan na mas matimbang pa rin ang pangkalahatang benepisyo na makukuha sa bakuna kaysa sa risk o bantang panganib na puwedeng maidulot nito.

Alamin din kung ikaw ay kabilang sa mga prayoridad na babakunahan at magpalista na sa inyong LGU sa lalong madaling panahon!

* * *

AT para naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

The post Mass vaccination sa Pasay at Makati appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mass vaccination sa Pasay at Makati Mass vaccination sa Pasay at Makati Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.