Facebook

Sen. Go: P900-M pondo para sa Davao Occidental General Hospital

MALAKING tulong sa mga mamamayan ng Davao Occidental ang nakatakdang pagtatayo ng Davao Occidental General Hospital.

Sinabi ni Go na nagpapasalamat siya sa mga kapwa senador na kahit dumaan sa butas ng karayom ang panukala ay nagbunga naman ito ng positibo.

Tiniyak ni Go na basta para sa ikabubuti ng mga kababayang mahihirap ay pagsisikapan niya sa abot ng kanyang makakaya.

Paliwanag ni Go na masyadong malayo ang Davao Occidental sa kalapit na ospital na umaabot sa 201 kilometers.

Giit ni Go, hindi kailangang ipagkait ang medical needs at pahirapan ang mga pasyente sa malalayong lugar na bibiyahe pa ng ilang oras bago makapagpagamot.

Kinumpirma rin ni Go na mayroon nang P900 million na pondo ang ospital sa ilalim ng Health Facilities Enhancement program ng DOH. (Mylene Alfonso)

The post Sen. Go: P900-M pondo para sa Davao Occidental General Hospital appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Go: P900-M pondo para sa Davao Occidental General Hospital Sen. Go: P900-M pondo para sa Davao Occidental General Hospital Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.