IYAN ang mariing atas ni DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) SECRETARY BRO. JOHN CASTRICIONES sa lahat ng mga REGIONAL DIRECTOR na ang lahat ng lupang agrikultural na hinde pa naipamimigay ay marapat lamang na maipamahagi na sa mga karapatdapat na mga benepisaryo.
Desididong inatasan ni SECRETARY CASTRICIONES ang kanyang mga FIELD OFFICIAL na ipamahagi na ang lahat ng titulo ng lupang nakatago sa kanilang mga opisina sa lalong madaling panahon…, na hindi kabilang sa itinakdang deadline ang mga titulo ng lupa na naitakda nang ipamahagi sa mga susunod na mga araw.
Ang utos ni CASTRICIONES ay kaniyang inihayag sa isinagawang pagpupulong na dinaluhan ng 15 DAR REGIONAL DIRECTORS…, na naglalayong bigyang hustisya ang mga magsasakang-benepisyaryo na naghintay na ng maraming taon para sa pinakamimithing titulo ng lupa – ang CERTIFICATE OF LAND OWNERSHIP AWARD (CLOA) at EMANCIPATION PATENTS (EPs).
“Nais kong ipamahagi n’yo na ang lahat ng mga titulo ngayon araw mismo,” pahayag ni CASTRICIONES sa mga REGIONAL DIRECTOR na personal na dumalo sa pulong at maging ang mga nasa online.
Base sa mga tala ng DAR, umaabot sa 95,546 pinagsamang CLOAs at EPs ang mga titulo ng lupa ang hindi pa naipamamahagi at nananatili sa mga opisina ng DAR sa buong bansa…, naku e sino-sino kayang maiimpluwensiyang personalidad ang pomosas sa mga DAR OFFICIAL kapalit ng “kuwarta” para huwag ipamahagi ang mga lupang dapat ay naibigay na sa mga karapatdapat na mga magsasaka?
Mismong si CASTRICIONES ang nagpatawag ng pulong makaraan madiskubre ang 2,034 titulo ng lupa na nakasilid sa mga sako sa loob ng LAND TRANSFER AND IMPLEMENTATION DIVISION ng DAR-CEBU…, wow, dapat sampahan ng kaso ang mga opisyal diyan at alamin kung sino ang mga nasa “likod” upang huwag ipamahagi ang mga CLOA at siguradong may mga maiimpluwensiya riyan ang ayaw ipamahagi ang mga lupa para sa mga darating na panahon ay ang mga “maiimpluwensiyang” yan ang mag-aangkin sa mga lupain.
“Higit sa lahat, obligasyon natin ito sa ating mga benepisyaryo, karamihan sa kanila ay matatanda na at pinaglipasan na ng panahon para magbungkal pa ng sakahan,” pahayag ng hepe ng DAR.
Inihayag ni CASTRICIONES na maraming okasyon ng pamamahagi ng titulo ng lupa kung saan napansin niya at maging ng kanyang mga UNDERSECRETARIES na matatanda na at halos hirap makalakad mag-isa ang mga tumatanggap ng mga titulo ng lupa.
“Kung mga kabataan naman ang tumatanggap ng mga titulo ng lupa, karaniwan nagpapakilala ang mga ito bilang mga anak o manugang ng benepisyaryo,” pahayag pa ni CASYRICIONES.
Nitong June 8 ay 73 kawani naman ng DAR CALABARZON ang naitaas sa kani-kanilang mga posisyon na pinangunahan ni CASTRICIONES ang naging panunumpa ng mga ito at muli ay binigyang diin niya ang naging pangunahin niyang kautusan na ipamahagi na ang lahat ng lupang agrikuktura sa ating bansa.
“Nabigyan kayo ng bagong posisyon upang magtulungan tayo sa pagpapatupad ng ating mandato. Mas paiigtingin pa natin ang ating serbisyo upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs),” pagpupunto ni CASTRICIONES.
Nitong June 3 nilagdaan ni CASTRICIONES ang appointment papers ng 73 kawani at tiniyak din nito na ang iba pang kawani ng DAR sa ating bansa ay kaniyang lilibutin upang pangasiwaan ang appointment at evaluation ng iba pang mga aplikante.
Inihayag naman ni SUPPORT SERVICES OFFICE UNDERSECRETARY EMILY PADILLA, na sila ay may pananagutan sa kanilang mga gawain at kailangan nilang unahin ang mga magsasaka upang makamit ang katarungang panlipunan.
“Masaya ako para sa ating mga kawani na karapat-dapat ma-promote ay nabigyan ng rekognisyon. Ang ilan sa kanila ay nagbigay serbisyo na ng napakaraming taon subalit ngayon lang sila nagkaroon ng oportunidad upang umangat. Salamat kay Brother John at Calabarzon Regional Director Rene Colocar dahil nakita nila ang potensiyal ng mga kawani,” pagpapahayag naman ni POLICY AND RESEARCH OFFICE UNDERSECRETARY VIRGINIA OROGO.
Inilahad naman ni DAR CALABARZON REGIONAL DIRECTOR RENE COLOCAR na ang mga kawani ay napili matapos na sila ay makapasa sa pamantayan sa kuwalipikasyon na itinakda ng batas.
“Siniguro namin na ang mga bagong hirang na mga kawani ay makatutulong sa DAR upang maipagkaloob ang hustisyang panlipunan para sa ating mga ARBs” saad ni COLOCAR.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Lahat ng lupang agrikultura dapat ipamahagi na — DAR appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: