Facebook

Barkong nakaangkla nasunog: 6 sugatan, 2 unaccounted na crew

Nasunog ang isang barko na nakaangkla sa ilaim ng tulay ng Delpan sa Maynila nitong Sabado ng umaga.

Sa report, 8:00 ng umaga nang makitaan ng maitim na usok ang MV Titan-8. bago ito tuluyang magliyab.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagkakarga ng gasolina nang sumabog ang MV TITAN-8 at magdulot ng malaking sunog.

Kabuuang anim na indibidwal naman ang nasugatan kabilang ang apat na crew ng nasabing barko habang ang dalawa ay tripulante ng katabing MV Princess Christine.

Mayroon ding dalawang indibidwal na nanatiling “unaccounted” mula sa MV TITAN-8.

Agad na nagpadala ng medical service ang PCG upang mabigyan ng agarang tulong ang mga apektadong tripulante.

Nagpadala rin ang PCG ng dalawang aluminum boats kasama ang rescue divers para tumulong sa pagsagip sa mga biktima.

Ipinadala na rin ng BRP Panglao (FPB-2402), ang kanilang rigid hull inflatable boat (RHIB) na may submersible pump para tumulong sa firefighting operations.

Ayon sa PCG, nagpupuno ng gasolina ang barko bago ito tumulak papuntang Palawan nang mangyari ang insidente.

Naliligo naman umano ang master ng barko nang makarinig ng pagsabog kaya agad itong tumalon mula sa barko na nakadaong sa Delpan Wharf.

Maging ang iba pang crew ng barko ay tumalon na rin upang makaligtas sa malaking sunog na nagsimula pasado alas-8 ng umaga.

Kasalukuyang iniakyat sa ikalimang alarma ang naturang sunog.

Naglagay na rin ng anim na segment ng oil spill boom ang PCG Marine Environmental Protection Command (MEPCOM) upang maiwasan ang pagkalat ng langis.(Jocelyn Domenden)

The post Barkong nakaangkla nasunog: 6 sugatan, 2 unaccounted na crew appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Barkong nakaangkla nasunog: 6 sugatan, 2 unaccounted na crew Barkong nakaangkla nasunog: 6 sugatan, 2 unaccounted na crew Reviewed by misfitgympal on Hunyo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.