Facebook

Bong Go: Bakuna, mabisang sandata vs COVID-19

“The vaccine is the best weapon we have in the fight against the coronavirus.”

Ito ang inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go kasabay paalala sa publiko na huwag matakot dahil ang bakuna ang tanging solusyon para makabalik ang bansa at ang ating pamumuhay sa normal.

Ginawa ni Go ang pahayag sa kanyang video message sa mga residente ng Alaminos City, Pangasinan na labis ding naapektuhan ng pandemya matapos mamahagi ang kanyang grupo ng ayuda sa loob ng dalawang araw

Hinimok ni Go ang lahat ng eligible essential workers na kabilang sa A4 priority group na huwag sayangin ang oportunidad na mabakunahan.

“The vaccine is the best weapon we have in the fight against the coronavirus. Huwag kayo matakot dahil ito ang tanging solusyon para makabalik na tayo sa dati nating pamumuhay,” ani Go.

“Habang hindi pa tayo immune, sumunod tayo sa mga patakaran ng gobyerno. Magtulungan tayo at malalampasan din natin ang krisis na ito bilang nagkakaisang mamamayang Pilipino,” dagdag ng senador.

Namahagi ang grupo ni Go sa naturang aktibidad ng mga pagkain, bitamina, masks at face shields sa 4,276 benepisyaryo na binubuo ng market vendors at mga kasapi ng Tricycle Operators and Drivers Association sa Alaminos City National High School at Don Leopoldo Sison Convention Center sa Alaminos City.

Pinayuhan ng senador ang mga nangangailangan ng gamutan o medical care na lumapit sa Malasakit Center sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City para mabigyan ng suporta na nagmumula sa gobyerno.

Pinag-isa o pinagsama sa iisang bubong ng Malasakit Center ang mga ahensiya ng gobyerno na may medical assistance programs, gaya ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Muli ring iginiit ni Go sa national at local government authorities na gawin ang lahat para mapaigting ang vaccine rollout sa mga komunidad na hindi pa nararating, lalo sa senior citizens na hindi makalabas ng mga bahay.

Sinabi ni Go na mahigit 2 million karagdagang doses ng COVID-19 vaccines ang dumating noong Huwebes at mayroon pang 10 million doses ang darating sa susunod na buwan.

“Bilang Chair ng Senate Committee on Health, nananawagan ako na dalhin natin agad ang bakuna sa taumbayan, simula sa mga critical areas, sa NCR plus 8, at kahit saan mang sulok ng ating bansa upang marating natin ang herd immunity bago matapos ang taon,” ani Go.

“Importante po’y huwag kalimutan ‘yung mga kababayan nating mga essential workers, ‘yung mga economic frontliners, ‘yung mga kababayan nating mahihirap, pinakasulok po ng Pilipinas ay dapat pong maabot din po pagdating ng panahon. Importante pong maabot natin ‘yung herd immunity sa community para hindi na po kumalat ang sakit na COVID-19,” idinagdag ng mambabatas. (PFT Team)

The post Bong Go: Bakuna, mabisang sandata vs COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Bakuna, mabisang sandata vs COVID-19 Bong Go: Bakuna, mabisang sandata vs COVID-19 Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.