KUNG ihahambing ang hanay ng mga pulitiko sa isang chorus ng mang-aawit sa entablado, iba-iba ang lumalabas na tinig – pawang sintunado. Wala sa normal na katwiran, wala sa lohika, walang tinutumbok na diwa at higit sa lahat, walang saysay at halaga. Pawang dispalinghado at hindi napapanahon.
Kung ano-ano ang lumabas sa kani-kanilang mga bibig. Kung ano-ano ang naririnig natin, iyan na ang paksa ng ng talakayan ng bayan. Mukha nakakaligtaan na dalawa ang pinakamahalagang paksa ng bayan: pandemya at pagkamkam ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.
Hindi dumadating ang mga ipinangakong bakuna ni Rodrigo Duterte. Ayon sa mga dalubhasa, nasa wala pa sa apat na milyon sa populasyon ng bansa ang mga nabigyan ng sapat na bakuna (2 doses). Nakikinita namin na masahol pa sa pusang hindi maihi si Carlito Galvez Jr. ng IATF na minsan nagyabang sa harap ng TV na babaha ng bakuna sa Filipinas at makakamit natin ang “herd immunity” sa taong ito. Hindi mangyayari iyan, sa totoo lang. Hanggang hangin lang sa ulo iyan.
Malaking usapin sa susunod na halalan ang kalutasan o kawalan hinggil sa pandemya. Inihaw sa mata ng bayan si Duterte o sinuman sa kanyang kandidato na ihaharap sa 2022. Kaugnayan ang usapin ng korapsyon kung saan P1 trilyon na tinatayang nawala sa kaban ng bayan. Paano ipapaliwanag ni Duterte ang magkaalinsabay na lumalang pandemya at kawalan ng pondo ng bayan?
Hindi nalalayo ang China sa nagmamagaling na kagaguhan ni Duterte na halos ibinigay na donasyon ang Filipinas sa China. Pinagtatawanan si Duterte at ang Filipinas sa komunidad ng mga bansa. Puputok ito sa halalan. Kahit sa nalulusaw na koalisyon ni Duterte, marami na ang tumutol sa kanyang pagiging duwag at sunud-sunuran sa China.
May nabuong bagong kasunduan, ang Visiting Forces Agreement (VFA)- Part 2 – at sinasabing maraming tanong si Duterte sa mga detalyeng wala siyang naiintindihan. Sa totoo, ito ang paraan ng DFA na ma-focus ang kanyang atensyon sa panalo ng bansa sa desisyon ng UNCLOS noong 2016.
Maraming nabuong alimuom sa nakalipas na mga araw. Kamakailan, nilampaso ng dalawang tanyag na abugado ang panukala ng PDP-Laban na patakbuhin si Duterte bilang pangalawang pangulo at pumili ng kanyang katandem sa 2022. Mistulang mga basahan sa kasilyas na inilampaso ni Mel Sta. Maria, law dean ng Far Eastern University (FEU) at Howard Calleja ng 1Sambayan ang ilang “pundido boys” ng PDP-Laban at ang payaso ng Malacanang na si Sal Panelo na hindi tumama sa kanyang paninindigan.
Hindi iyan ang diwa ng Saligang Batas, ani Sta. Maria at Calleja na ipilit pinalunok ng kanila ang laman ng Konstitution at winakasan ang waslang kakuwenta-kwentang panukala. Maski si Duterte ay hindi nagpilit. Si Sara Duterte na inanasahan na tatatkbo kakambal si Duterte at Gibo Tiberte ay tulungan na umurong sa talakayan.
Nariyan ang press conference ni Alan Peter Cayetano kung saan inihayag niya na “baka” tumakbo siya sa pagka-pangulo ng 2022. Hindi namin alam kung bakit kailangan ang presscon upang ihayag na baka lang pala. Kahit tumakbo pa siya, hindi siya mahalaga.
Tulad ng inaasahan, pilit na iginiit ng ilang kandidato na magtono at mag-asal oposisyon sapagkat hindi gumugitna ang kandidato ng totoong oposisyon – ang 1Sambayan na kumakatawan sa puwersang demokratiko ng bansa. Kasalukuyan pa nakatingala si Leni Robredo at umuusal ng ilang dalit na sana gabayan siya sa kanyang katangi-tanging desisyon upang sumabak sa 2022.
Sabay-sabay inalihan ng “pakipot politics” si Sara at Leni sa laban. Hindi makapagdesisyon kung tatakbo o hindi. Masahol pa sa damong makahiya.
***
MAY ipinadalang kalatas ang Akbayan Party List Group tungkol sa nangyaring pananambang sa Masbate. Pakibasa:
Akbayan to Makabayan bloc: Denounce all NPA atrocities and abuses
The Akbayan Partylist today challenged the Makabayan bloc to condemn all the atrocities and abuses committed by the New People’s Army (NPA) in its wanton use of violence that victimized countless people throughout its 52-year long communist insurgency.
Akbayan, a democratic socialist political party, issued the challenge after the Makabayan bloc released a rare statement condemning the killing of Far Eastern University football player Kieth Absalon and SENTRO trade union leader Nolven Absalon at the hands of the NPA, even as it praised the armed group for acknowledging and accepting full responsibility over the deaths.
Akbayan said that the Makabayan bloc cannot be selective in its condemnation of the NPA’s abuses. It also said that it could not condemn and praise the NPA at the same time.
“While the Makabayan bloc’s condemnation of the NPA’s killing of civilians in Masbate is a welcome respite to its long silence at the armed group’s violence and impunity, it should denounce all the atrocities and abuses the NPA has committed against the public, including its extortion activities, recruitment of child soldiers, and the assassinations and threats of violence against progressive leaders and organizations,” Akbayan Spokesperson Dr. RJ Naguit said.
“The Makabayan bloc cannot condemn a single act of violence because of strong public backlash, and ignore the rest of the NPA’s crimes because they don’t land on today’s front page. Selective condemnation is permission,” Naguit said.
Akbayan asserted that the Makabayan bloc should equally denounce the 2005 hitlist issued by the NPA and the Communist Party of the Philippines (CPP) against progressive leaders, who they branded as “class enemies.” Included in the hitlist were former Commission on Human Rights (CHR) Chairperson and current Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales, and several other left leaders.
Akbayan further dared the Makabayan bloc to officially condemn the NPA’s extortion activities, such as its collection of permit-to-campaign (PTC) fees that it conducts during elections, and the so-called “revolutionary tax” it imposes against the business community.
Akbayan added that filing a complaint with the now non-existent Joint Monitoring Committee is a non-starter, and that the primary action point should be the surrender of those who killed Nolven and Kieth Absalon.
“The Makabayan bloc owes this to the people who are sick and tired of the NPA’s impunity. Justice is only truly revolutionary when it is enjoyed by all. If it only belongs to a few, the bloc’s so-called ‘condemnation’ of the NPA remains a shallow and opportunistic gesture. Much like the apology the NPA issued on the killing of civilians in Masbate,” Naguit said.
Akbayan is the only left-leaning political party in the Philippines that has consistently opposed the violence of the CPP-NPA. It vehemently condemns torture, assassination, and other violent acts that undermine human rights and freedoms whether they are committed by state or non-state actors.
The Makabayan bloc comprises Bayan Muna, Gabriela, ACT Teachers, Anakpawis, Migrante and Kabataan. In 2013, netizens castigated then Bayan Muna Representative Teddy Casiño for merely “criticizing” an NPA ambush that injured Gingoog City Mayor Ruthie Guingona and killed her aides in Misamis Oriental.
The post Kangkarot appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: